BERSONG KAHEL

Pagpapahayag kuno’y tama raw at dapat,

kurba ng saloobin iyo na ring ilapat

Katotohana’t nais sabihin isobra na’t sagad

nang maibuga ang galit mawala nang agad agad

Masarap pakinggang naglaho na ang poot,

naalis na mga bangka sa nagsisiksikang laot

Natapos, lumipas, lumamig ang maanghang

nakaharang na pader naalis na sa daanan

Sapat na ba ang nasabi ang iyong nais?

batid ba ang epekto ng dilang may langis

Ang dating ingay na syang lumalangingis

ngayoy marka ng isang tinta na di na maalis.

Dibat mas masarap naglalakad nang taas noo

alam sa sariling walang natapakang tao

Dila ay nagamit sa mas kapakipakinabang

hindi sa pagsasabing “ang taong iyon ay hibang!”.

Malaya bang maituturin ang nakapagpaliwanag

kung alam na sa pasanin ito ay nakadagdag

Maganda bang pakinggang ‘akoy nakapagpahayag!

kaso nga lang sa utak nyay nilalamon na ng amag

Sa panahon ngayon marami ang ganito,

ipuputok ko ang pistol kahit kelan ko gusto

walang kiber sa buhay may pamilya man kayo

papatay ng miserable, alam ko lang galit ako.

At naroroon naman sa mga nabibilog ang ulo,

di ka ba nakaiintindi ng wikang Filipino?

Di mo ba alam ‘pagpapalit tawag’ sa bersyon ng mga kano

simpleng terminolohiya pinalala mo.

Matutong ipantay hawak mong timbangan,

o baka ulo mo’y labis nang napanghimasukan

Ng hanging tumatangay sa wisyo mong batid katotohanan

pagintindi sa mga bagay kayhirap mo nang tandaan

Bagamat nasabi waring daing ng puso,

hinanakit sa di naintindihang salitang filipino

Dalos dalos na pagbigwas , ano nadulot sayo

naapakan mo maling dumi dapat ay pinakaingatan mo

Kung sa mga kumpetisyon ay may alyansa

unyon naman ang tawag sa mga manggagawa

Sa bersyon ng mga bata’y may kampihan,

nariyan ang ‘kayo kayo’ sa ating angkan

Pagpapasiklab ng apoy at hampas ng latigo

walang panama mga bagay na ito

Sa mga salitang binitiwan mo aba!

akala mo bay kaydaling kalimutan to?

Unti unti mang mapilas ang papel,

kwadernong sinulatan tila inilatag na mantel

sa dami ng salitang nasulat kasing kapal na ng pader

di ko na matanaw ang damdaming kulay kahel.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s