Kiligang Dugtungan

G:

Kung ikaw ba binibini , aking liligawan ako’y iyong sasagutin?

Kung ikaw ba’y iibigin ako’y iyong mamahalin?

Payag ka bang tayo’y magdate at sa labas ay kakain

Mahuli man ng Tatay mo’y , busog akong ililibing!

BB:

Nais ko sana aking gusto,

puso ko rin umiibig walang iba kundi sayo,

di makagayak, di makatakas tila isang preso

hadlang balakid ang iba upang maging tayo.

Umalis man, magsaya at di na maghiwalay

malayang magsasaya pagkat wala na si itay

ngunit di nangangahulugang wala ka nang latay

pagkat daig pa ng ina ko ang sampung tambay!

G:

KUNG GAYO’Y MAARI NA AKONG MAMATAY

SAPAGKAT PINTIG NG PUSO KO’Y WALANG HUMPAY

DADANASIN NA SAKIT ,SAMPU NG MGA LATAY

TITIISIN KO’T IPIPIKIT MAHAWAKAN LANG ANG IYONG KAMAY

SA KABILA NG LAHAT AKO MA’Y DUSTAIN

NG MGA BAKAS NG PAMALO’Y DAKPIN

SA SARIWA’T DUGUAN KONG KATAWA’Y DINGGIN

ISISIGAW NG PUSO KO’Y IKAW AT IKAW RIN

Bb:

O walang kupas ba iyong pagsintang labis?

o tulad lng ng tela itoy umiimpis

yan ang problema sa inyong mga kalalakihan

sa mga pangako’y magagaling kayo riyan

Mahilig magtiwala baka ay masktan

mas mabuti ng lumuha nang hindi sinusubukan

ngunit kung ang tulad mo’y ayos lang na puso’y masugatan

kung kapalit naman nitoy labis kong kasiyahan.

G:

NANG SA GAYON AKO’Y PUMANAW MAN

NAIHAYAG KO’T NASABI ANG PANANAMBITAN

SA DALAGANG BUHAY KO’T PAGIBIG NA TANAN

SAKIT MA’Y TITIISIN , MAKAMIT KA LAMANG.

Bb:

Kung gayon lang ang danas mo’y akoy iyong isama

sa hirap at tiis nais ko ring madama

hatiin ang sakit sa ating dalwa

harapin ang lahat, kung ito sati’y magsasalba

G:

ALAM KONG SA MUNDO’Y MARAMING SALAWAAN

SA BIGAT NG DALA DALA AT PASAN-PASAN

YUMUKOD MAN AT SAKIT AY DANASAN

BUONG PUSONG MAGTITIIS IKAW LANG AY MAHAGKAN

AT NGAYONG ALAM MO NA’T ALAM KO NA RIN

NA ANG TAGINTING NG PAGIBIG NA MINSANG DUSTAIN

KAPARA NG ISANG HALAMAN NA NAKABINBIN

PAG LIPAS NG ARAW AY MAMUMULAKLAK RIN.

Bb:

Bakit hinihiling na ika’y pumanaw man?

diba tulad iyon nang ako;y iyong iniwan,

nagiiisa’t di ka kapiling

aanhin pa ang sakripisyo mo’t wala na akong aanihin

G:

HUWAG KANG MAGALALA’T DI KA MAGIISA

DOON AKO’Y MAHAHAGKAN NAKADUNGAW SA MGA TALA

IKA’Y MAHALAG SA AKING MGA MATA

MINAMAHAL KITA , MINAMAHAL KITA.

Bb:

IKAW ANG LAHAT SAAKIN

ANG MAGANDA RELASYONG TULAD NITO’Y DI DPAT PAGINTAYIN

WAG NANG HAYAAN ANG DAMOY MABINBIN

KUNG MAARING NGAYON AY TUMAKAS AT MAMULAKLAK DIN

G:

AT KUNG MAGKAGAYON SINTA’Y MAPALAD NA ANG BUHAY KO ,

MAGDARANAS AKO NG TUWA NG DAHIL SA IYO.

Bb:

NGUNIT NAIS KO;Y IYONG PRESENSYA

ANG HAGKAN KA’T HAWAKN ANG MUKA MOY AYOKONG IPANTASYA

ANO PANG SILBI NG TUBIG NA IDINILIG

KUNG ANG TUBO NG HALAMA’Y TALIWAS TAGILID

AT KUNG MANGYARI MAN, AKING KARANGALAN

ANG MAKASAMA ANG BAYANING PINAKAMAMAHAL

MASAYAT NAKILALA TULAD MO,

MAHAL KITA HABAMBUHAY ITAGA MO SA BATO!

G:

At ng lumigaya , hinango mo sa dusa.

Tanging ikaw sinta , ang aking pagasa.

Bb:

AT NANG LUMUGMOK IKAW RIN NAALALA

TULAD MONG GINOO, AKING IROG NG MUNDO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s