Ang Suyuan sa Asuteya ni Matutina dela Petchay at Leo Nel Patani

KASABAY ng hanging magiliw ang pusong malulam

Ng dalawang magsingIrog na parang nakulam

Init ng pagibig sa gitna ng pagsusuyuan

Sumusungaw na ipis , langaw , at langgam

 

At ang bibitawa’y salitang totoo

Sa kabantuta’y sagana sa kabanguha’y liko

Katotohanang totoo , taos mula sa puso

Ang sambit ng binata sa Dalaga’y ganito

 

Hindi ka malilimutan kahit na mabagok,

Patay man ang puso’y pilit na titibok

At sampu ng nagpuputukan kong mga bokbok

Ipagluluto pa rin kita ng masarap na palabok.

 

At kahit nagliliparan ang aking mga kuto

Hahainan pa rin kita ng malambot na puto

Sa pagluluto ko’y sakto’t tamang tama

Gagamitin ko yaring mantika mo sa mukha!

 

Saktong sakto sa nagliliparan mong mga alaga

Ang pagpapalambot ko sa baboy na aking ilalaga.

Pilit na magluluto kahit mayroong pigsa

Kamutin ng kaunti habang nag’gigisa

 

At kahit na merong buni ako’y magagalak

At kahit na sintunado , ako’y papalakpak

Kilikili ma’y baktulin, isama na pagiging maasim

lahat sisinghutin wag lang malayo saking piling

Dinggin mo o Tekla ang pusong sumasamo

Sagutin mo binibini , tanong ng Ginoo Pagtitiis ko’t pagaantay kapalit ay ano?

Buong loob akong maghihintay , kahit na mamaho!

Kung gayon sampu ng nagtatalunan kong mga kuto

At ngitngit tae tae na nagsisiksik saking mga kuko

Mabaho man ang hininga , sigaw ng aking puso

Dinggin mo o Baho , sagot ko ay OO!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s