BERSONG MAY DAMDAMIN

Ganyan ba katindi nang kami ay dumanas,

kawalan ng kalinga’t pananalita nilang habas

bago bumitaw ng salitang binibigkas isipin ng lubos,

wari;y bumalik ang bagtas.

 

mababaw pa ito kung tutuusin,

sa gulang o edad, sobra na bakung susumitihin?

Kayo lang ba ang nakaranas ng “pangaaping” ganyan?

datapwat kayo nga lang ba ang nawalan ng pundasyon ng tahanan?

 

Dapat matuwa, dapat magalak,

pagkat sa murang edad natutong gumayak

Gumayak sa ngiting tago ang lahat

ngting katumbas ng bibig na lubos kung pumutak

 

Unang danas ko’y di ganyan tinanggap,

inintinding mabuti, pinagisipan ng isang iglap.

inusisa kung bakit sinabe ang mga iyon

mas inintindi kanilang sitwasyon.

 

Mang mang, dakila nga bang ganoong gawain

bagkus ang may utak ganoon ang gagawin

isantabi man ang respeto ay iyon ang tama

hanggat wala pang alam, manahimik ka muna.

 

May respeto pa ba itong maituturin

kung ang salita mo’y pailalim

di ka nga kumpronta sa likod naman pumana

tila balang lumihis, sayo parin ang tama.

 

Pagkat ang syang malapit ang mas nadidinig,

kung kayat sa malayo’y walang pumapanig

di porket may kakampi ay agrabiyado

tandaan, ang nagiisa ang syang mas asintado.

 

Sa mga nasasagitna kayo ang mas mapalad,

wag na subukang kayo sa gulo’y mapadpad

nasasakamay ninyo ang timbangan

panatilihing pantay, bagkus ay may malalamangan.

 

Sa ngayo’y palilipasin, ako muna’y mananahimik

sa rurok ng tagumpay duon muna papanhik

Saka na muling lilipad kapag may pakpak

saka na bibig ay ibubuka kung mayroon nang ibubuga.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s