Halaw sa storya nina Kesa at Morito

Temptasyo’y talamak nga sa ating mundo

Nakapagudyok na ng maraming tao

Temptasyon sa bagay, kung sa tao’y delikado

Ang syang mapain ang tiyak na agrabiyado.

 

Marami sa ngayon ang natutulad sa kanya,

Sa sitwasyon, pagiisip at kung pano nagkasala

Mga kalalakihang nadali ng tukso

Pinakikita ng tauhang si Morito.

 

Sa bawat halaman ay mayroong ugat

Ang syang may sala, dahilan ng lahat

Kung hindi nakita babaeng nakahalina

Wala sanang biktima sa kamandag nitong Kesa.

 

Noong una Morito’y nangungulila

Nais masilayan natatangi nyang mukha

Lahat kakayanin matupad lang ang nais

Maapak man sa tinik o madulas sa langis.

 

May mga taong sadyang mapupusok

Pilit na susuong kahit di alam ang himutok

Kung kayat nang nagkaharap napawi ang lumbay

Datapwat isip ay blanko’t bibig nakalaylay.

 

Walang nagawa kundi titigan sya

Baterya ng puso ko’y di na matantiya

Biglang napagtanto, nahiwagaan, naisip

Bukod sa pagibig, puso ko’y may iba pang pintig.

 

Nang sandaling iyon ay aking tinitigan

Babaeng iyon kaharap ko’t kanyang katawan

Susunod na pangyayari di napigilan, di na rin namalayan

Nangyari ang nangyayari sa kabilugan ng buwan.

 

Matapos ang lahat,matapos ang sarap

Ang babaeng iyon ay muli kong nakaharap

Tila nag iba na sya sa aking pananaw

Unti unti kagandaha’y pumupusyaw.

 

Pagnanasa’y napunta sa pabulong na talastas

Syang nagsasaad ng aksyon hangad nya’y dahas

Sa pagmamahal ay nabulag nang wagas

Bala ng pistol sa asawa nya bumagtas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s