Liham para sa Philo-wan

Maligayang pagdating! Sa dalampasigan ng walang kasiguraduhan,

Ng may pagaalinlangan,

Ng walang pagpipilian,

Ng di mawaring hangganan kung saan

Ang payak lang na kasagutan ay "Ewan ko, diko alam"

Kung saan nasa gitna man tayo ng isla ng kawalan

At may mga layag nakong namamataan

Mga barkong kung saan

Susunduin ang kani-kanilang mga kapitan.

Lilisan at mawawalay man

At magiiwan ng bakas natayo tayo lang rin ang may alam.

Lumihis man  nang panandalian

Ay hindi malilimutang bumalik sa islang bahagyang nakagisnan.

 


At ang syang mga nanatili ay mangungulila sa mga ala alang minsan nating pnagsaluhan.

Mga pagkukubling tayo ay nagsabwatan,

Mga kalokohang sabay sabay nating tinawanan,

Mga taong ating pabirong tinaningan,

Mga palihim nating kadugaan,

At ang ating silid na kahit tayo man ay siksikan

Ay nagsilbing tahanan,

Musileo ng ating pagiwan

Sa mundo ng kamangmangan.

Silid na minsan naging bahay-husgahan

Na napupuno ng samu't saring opinyon,

Pananaw at pabirong mga konsepsyon

Hinggil sa mga isyung minsan ay nagliyab,

Umalab ang batuhan ng mga salitang

May kanya kanya mang pinaglalaban

Ay sa dulo'y tayo'y magiging isa at magtitipon sa iisang payak na konklusyon, na tayo ay nakagawa ng malaobra maestrang balitaktakan.

Ating hinarap

Ang mga bagay na wala sa hinagap

Kumapit, bumigkis sa mga di pamilyar na kamay

Na dating gapos ng kamangmangan

At alipin ng kahinaan.

Hindi ka natakot, magtiwala at magtali  ng pisi na nagdulot ng mga samahan,

Nagtayo ng pundasyon ng panibagong pagkakaibigan,

O mas pabilisin natin "kaibigan"

Na minsan sayong nagpasaya,

Nagpaligaya,

Nagpakilig,

Sabik

At di mawawala ang makapanakit,

Magmaldita,

Magalit ng sobra.

 


Hindi ka nagpagapo sa hiya;

Sa mga posibilidad na ikaw ay madedma.

Hanggang sa di mo namalayang nadatnan na natin ang wakas ,

Ang unang taon ng pamimilosopiya.

Katapusan sa mga lilihis ng landas,

Unang hakbang sa syang magpapatuloy.

Kung kaya't panandalian muna kitang bibitawan..

Mga aura ng pangarap ay atin munang susundan.

Ako man ay hindi tumuloy sa laban

Ay alam kong makakaya mo yan,

Hindi ako bumitiw dahilan sa hindi ko gusto,

Bagkus ay sa tingin ko na may ibang bagay pang sa akin ay nakaplano.

Ang pamamaalam ay hindi nangangahulugang pagsara ng pinto ng isang nakalipas na kabanata

Bagkus isang pagpapatuloy na binigyan ng ibang baryasyon.

Matapos nito ay marami ka pang makikilanlan,

Mga ala ala natin ay matabunan.

H'wag kang malungkot,

Ni magdalawang isip o kaya'y mabugnot,

Samahan natin ay wag mong bibigyan ng tuldok

Dahil matapos ang lahat, tayo'y magiging alamat, n

Na ikwento man ang ating storya sa iba ay magsisilbing inspirasyon

Na pinili nating bumagtas sa daang lihis man sa isa't isa

Ay pinilit nating ikurba

Upang pagtugmain ang dalawa.

Sa pere aude kaibigan, hanggang sa muli nating pagkikita!
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s