Madaling “ARAW”

Anong madali sa madaling araw?

Anong madali sa kalagitnaan ng gabi ay magigising ako mula sa takot at hilakbot na dulot ng panaginip ngunit wala ang mga bisig mo para patahanin ako?

Anong madali sa mga oras na alam kong tulog na tulog ka na pero heto ako’t madaling araw na, ikaw pren ang patuloy na tumatakbo sa isip ko.

Saan ang madali sa mga pagkakataong naalala kong sa ganda ng buwan na ito ay ang mga mata mo, at ang mga storyang minsan na lumabas sa bibig mong tila hirap ka na, tipong ayaw mona at makakatulog ka nalang na sa dibdib ko na tuyo sa baha ng luhang minsan ay rumagasa’t nilamon ka ngunit sa pagsikat muli ng araw naroroon ang bagong pagasa.

Nasaaan ang madali sa araw noong mga pagkaktaong nagluluha na ang aking mga mata, sa antok, pagod at paggunita ngunit ayaw pa nitong sumara pagkat naroroon parin ang pagkalitong bukas ay makikita ulit kita, manginginig ang mga tuhod sa oras na lumapit ka, aalalahanin ang mga bagay na nagawa na alam naman nating nagpakilig sa ating dalawa bagamat wala pa ring linaw kung tayo’y ano nga ba?

Asaan, at ano nga ba ang madali sa mga oras na bababa ako mula sa kwarto , lalagok man lang ng tubig para pawiin ang uhaw mula sa mahimbing na pagkatulog ko, at makikita ang pahikbing pagluha dahil saknyang pagkawala, nakahit ano mang lakas mo sa umaga’y iyo namang hina sa gabi. Alam kong ayaw mo itong ipakita, pero haggang ngayo’y bakas parin ang minsan mo sa kanya’y pangungulila.

“MADALING “”ARAW” Marahil ang salitang ito ay hinabi ng mga taong minsan ay lumigaya, sumaya, nalungkot, pumighati sa mga oras na kung saan nagaagaw ang araw at buwan , na tila ba ang bawat isa ay tumututol sa Katapusan, Paglisan. At iyon, iyon nga marahil ang madali sa madaling araw, ang magwakas. magiwan ng mga ala alang pinagsaluhan, ang pumikit at kalimutan sa pagtulog ang lahat, ang magising sa mga oras katilaukan na dala ay ang bagong simula.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s