SAGLIT

Napilas ang pahina ng kalendaryong dati ay saksi

Sa pananabik kong makita ka sa mga araw na maari,

Mga araw na nakabilog ng mga markong pula

Na kung minsan ay di namamalayang hugis puso na pala.

 


Nasa kabila ng pagpunit nito'y ganoon rin ang nararamdamang sa bawat paglipas ng oras na kayo ay masaya,

At ako rito'y balot ng pagsisisi't pangugulila.

Na kaakibat nito ay ngiti kong daig pa ang tsina

Sa paggawa ng pekeng materyales na sa sandali lang ay sira na.

Oo, kasing saglit ng mga panahong kung papaano mo sya nakuha.

Saglit na parang ginawa mo sa akin na, agad agad at walang pasabing umalis ka na pala.

Saglit na dati'y wala sa bokabularyo mo, natin.

Saglit, na dating pakahulugan ay hindi mabubuo kung wala ang presensya mo.

Saglit na sa ngayon ay panahon na lang na hinihingi ko sayo para ipaliwanag ang lahat;

Kung paano, ano at bakit nangyari ang mga bagay na dati ay wala sa hinagap ko.

 


 


Ngunit isang araw ay bigla na lang lumipad ang balitang tapos na ang saglit nyong storya,

Ang saglit nyong saya,

Ang saglit nyong pantasya,

Ang saglit nyong kahibangang lahat ay nakukuha ng madalian at walang anumalya.

Hindi mailayo ang sarili na sa atin ay muling umasa.

Pero pilit na sumasampal ang reyalidad na minsan ay pinagmukha mo na'kong tanga.

Tanging nasasaisip ko lang naman,

Ay baka lang naman.

Hindi baka na animal na tulad mo,

Baka na nagbabakasakaling ako parin pala.

Baka ika'y nagpapahabol lang,

Baka nagpapamiss lang,

O baka ibinubukas mo lang ang mga mata ko sa katotohanang ako sayo ay nahulog na nga..

Kung iyan ang nais mong magpatanto ko pwes oo nangyari na.

Hindi naman sa umaasa, ayoko sa totoo lang,

Pero batid kong sa isang saglit lang...

Ay umumpog nanaman ang ulo kong wala sa katinuang bumalik muli sayo.

Wala akong pakielam sa paghihiwalay nyo

Bakit ba ako dapat maging apektado?

Sabihin mo nang hipokrito,

Ngunit isa lang ang masasabi ko:

Edi sana kung nagintay ka, Tayo pa.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s