Tulang Dugtungan

Sa kabila ng lahat ng aking pagkamuwang

Pagkabulag ko’y pilit pa ring sumisiwang

Sa mga bagay-bagay ang aking pagkukulang

Ay nais kong talimain , suyuin man lamang.

Di rin nga naman sapat ang may alam ka lang

Sapagkat papaano kung sinasarili mo lamang?

Ni mabahagi’y di mo magawa kahit na ilan

Papaano’y nasa isip mo’y isa itong kabawasan

Marami mang bagay ang iyong mabatid

litanya ng pagtutol ay hindi man mapatid

isang bagay lamang ang pagktandaaan

sa kabila ng aking hindi tago ay pagmamahal

At sa lahat ng bagay ni mapuspos ni mapatid

Sa mga iyong mga tinuran at nais ipabatid

May mga taong sadyang tuso’t nagmamasid

Sa kapuspusa’y salat , sagana sa manhid!

Ang pagtahimik sa iilang ay mas minamabuti

sapagkat baka may masabing maling iatubili

baka lumatak gumulo’t tila tintang isang patak

mapasama sa kondisyon, sa sisi’y mapasalampak

kung kayat bawat hakbang ay pakaingatan

sapagkat ang lahat pumapansin sa kamalian

magingat sa mga taong iyong pagkakatiwalaan

pagkat isang araw, magulat ka na lamang, ikay may saksak na sa tagiliran!

At kung hindi man dumating sa atin ang panahon

Alam kong may nakalaan na pagkakataon

Na ang mga ala-alang pinagsaluhan natin noon

Mananatili , magpakailanman hanggang ngayon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s