……Hinayaaan mong pasinayaan ko ang sarili kong paglaya.
Ni hindi ka nagsilbing mga kastila na minsang hinawakan ang mga gapos ng kamay ng mga pilipinong magtataas ng ating bandila
Sa takot nilang mabawi ang karapatan nilang angkinin tayo,
Makita ang bawat indibidwal na nasa puder at pangangalaga ng iba.
Malunod sa pagsising tayo ay hindi sila pinilit manatili bagkus ay ipinagtatabuyan sila ng puno ng pagaatubili.
………
Kayamahal, magiging tulad ako ng mga kastila.
Na sa kabila ng matagal mong pagdulog sa dibdib ko ay labag man sa loob na itataas ang kamay bilang simbolo ng pagpaparaya,
Ng kalayaang nais mong matamo.
Tatanggapin ang minsan mong pagaklas alang alang sa pagbitiw,
sa iyong pagsuko kapalit ng ating nanlalamig na samahan,
ng pagiwas dahil hindi na , ako ang iyong kailangan.
Hindi na mga ngiti ko ang bumubuo sa araw mo,
Hindi ko mga mensahe ang iniintayn mong tanggapin,
Hindi na mga larawan naten ang nakakapawi ng uhaw sa presensyang minsan mong hinangad, inasam na ika’y mapasakin, ako ay ariin…….
#
p.s part pa lang ‘to haha