AKO, SILA, TAYO, KAMI. DITO.

 

Minsan akong napandaan sa dati kong paaralan,

 Luminga sa kaliwa at kanan,

Aking minasdan ang lugar na minsan ko nang naging tahanan,

Mga silid na napuno ng mga tawanan, ang dating sisdlan ng aming kamangmangan.

 

Tinungo ang aklatan,

Nakita ang dating makulay na palaruan.

Nilibot ang mga mata ko hanggang sa pinakamalayong nasusunggab nito.

Naisip ko, ang sarap pala sa pakiramdam.

Ang bumalik sa minsan mong nakasanayan.

Isiping kabisado mo parin ang bawat liko o kanto, ang bawat biyak ng mga bato.

Kung saan parte ang matao, at kung saan maaring magtago.

Na ang mga mga ito ay pawang mga lugar lamang hanggang sa matagpuan ko sila, tayo, kami, dito.

Matagal akong naglagalag kaya kinailangan kong magbanyo.

Nabusog ang paningin sa mga nabasa kong bandilismo.

Hindi ko alam kung dapat ba kong matawa, humanga, malungkot para sa mga batang ito.

Sa syang mga nagsulat, tinutukoy sa sulat,at sa mga nakikiusyoso.

Nabaling ang atensyon ko sa salaming pawang kanina pa nagmamasid,

Sa karagatan ng aking memorya, malalim na sumisisid.

Dito ay tinitigan ang mukang halos malaki na ang pinagbago.

Na marahil ay hindi na kilala ng salaming ito ang repleksyon ng dating paslit na humarap ng walang pagkurap na tila ba nais makita ang mga larawang kubli sa mga matang hubad.

At dito ay napagtanto ang emosyong dapat ay mamuno,

Takot. Takot sa multo, hindi sa multong maaring nasasalikod ko,

O sa nakabiting paa na makikita sa oras na tumingala ako,

O sa imaheng biglang sumulpot sa kalagitnaan ng pagtitig ko.

Bagkus sa multo ng mga nakalipas na senaryo.

Inilapat ang paningin sa isang partikular na sulok, naalala ko ako, sila, tayo, kami, dito.

Nagsalo, sa isang palabas na tila teatro at ang mga sapot, alikabok, andap, hamog ang nanonood dito.

May mga nangyaring pawang hindi ko na matandaan.

Pero nakatitiyak akong iyo’y masusing pinagplanuhan.

Matagal ko na itong naramdaman, ang mga tinginan nyong malaman, na may pakahulugan.

 

Naalala ko Ako, nagiisang pumasok,

hindi batid na nagaabang pala Sila,

natagpuang Tayo na lang ang nasa apat na sulok ng kwarto,

Kami ang naging pinakamabahong sikreto at,

Dito na pagbukas mo ay aalingasaw ang katotohanang madiin nilang kinandado.

 

Patakbo ko iyong nilisan,

hindi ko rin mahinagap kung bakit ko binilisan.

Baka kasi hindi ako pakawalan,

ng memorya sa lugar na minsan kong naging tahanan.

Ngunit hanggang ngayon ay patuloy parin akong paikot ikot,

nakikita ko ang ibang sa galimgim parin ay balot,

ang iba nama’y normal na’t paminsang nalulungkot,

At eto ako, sila, tayo, kami, dito sa banig ng pagsisisi nakakurumpot.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s