Aaminin Ko.

Aaminin ko kinikilig ako.

Sa bawat banat mong linya,

Mga biglaang patawa,

Sa mga pagkakataong ako ang kausap mo hanggang sa mag'umaga.

 


Aaminin ko kinikilig ako.

Sa twing pinagmamasdan kita,

Nasasaisip na sa dami ng babae'y ako pa,

Ang napili mong paglaanan ng pawis at mga tula.

 


Aaminin ko kinikilig ako.

Twing nasisilayan ang pahapyaw mong mga ngiti

Batid na suntok sa buwan ang mga ganitong pangyayari

Dahilan na di likas sayo bumuka ang labi

 


Aaminin ko kinikilig ako.

Pagkakataong bihira

Ang may sumungkit ng mga tala

Ialay sa akin, ako'y ituring reyna sa sagala.

 


Aaminin ko kinikilig ako

Sa twing lumalabas tayo,

Nang di batid nino

Ang saya ng ikaw ay masolo.

 


Aaminin ko kinikilig ako

Sa mga larawan nating dalawa

Na kahit panakaw, sa libo libo'y iisa

Tanday ko sa gabi, sa laboy na lungkot ay syang panangga

 


Aaminin ko kinikilig ako

Sa tiwalang binibigay mo

Binbin mong mga sikreto, o sa mga ginagawa mo

Kahit wala pang opisyal na Oo

 


Aaminin ko kinikilig ako

Sa  espiritung taglay mo

Na kayang manipulahin ang pagkababae ko

Madama ang pribelehiyong maligtas sa tore ng isang kabalyero

 


Aamin ko kinikilig ako

Sa mga pagkakataong ang mga umaga ay hindi na lamang basta pagsikat ng araw

Kundi panahon nanaman ng pagsusulat ng konsepto kong sayo ang halaw

Mga mensaheng hindi pumapalyang dumating anumang posisyon ni haring araw

 


Aaminin ko kinikilig ako.

Sa twing aking napagtatanto

Na totoo nga ang lahat ng 'to

Na hindi ito panaginip at parteng ilusyong meron ako.

 


Pero hayaan mo akong malunod sa masasayang parte ng pagibig

Sa saya ng musika taglay nito itutuon ang pintig

Dahil ang chansang magkaroon ng tulad mo ay malayo sa hinagap kong maiisip

Sa piling mo mahal, ay dama ko man ang langit ituturing paraiso datapwat mariit.

 


Sa oras na bitawan mo ang tanong ni kupido

Hindi sasabihing oo, hindi sasabihing ayoko

Walang masisilayang pagpapakita ng motibo

Hindi man tayo, pero aaminin kong kinikilig ako.

 


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s