Habang nasa Tumba Tumba

 

Natatakot akong dumating ang panahong ito.

Na ang mga kwento at binbing sikreto ay paunti nang nababawasan

Ang mga oras ng ating tawanan ay paminsan na lamang

Presensya’y limitado’t hindi na kita halos nadadatnan.

 

Natatakot akong dumating ang panahong ito.

Mga memorya na lamang ang kalokohan minsan nating pinagsaluhan

Namamasdan na lamang kita sa mga larawan

Hindi na kita halos nakasasabay sa hapagkainan.

 

 

 

Natatakot akong dumating ang panahong ito.

Na bilang na lang ang mga salitang nagpapalitan sa ating usapan

Na marami na akong kahati sa iyong talaarawan

Na ang mga minutong maguusap tayo ay mas pipiliing matulog ka na lang

 

Natatakot akong dumating ang panahong ito.

Hindi na tayo tulad ng date

Wala ka sa tabi ko, anuman ang mangyare

H’wag ka sanang maanod sa pulso ng pagkaindependente

 

 

Kaya ngayon ay bumabalik-tanaw na lang

Sa panahong ikaw ay nasaking tahan

Masakit pa rin kahit ito na’y napaghandaan

Ang kamay ng anak ay iyo nang bitawan.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s