PARANOID

Paano ako makukuntento?

Sa sarili ko,

Sa twing nakikita kong maraming babaeng maaring pumalibot sayo

Hindi kung maagaw ka kundi mula rito ay marami kang mapagtanto

Paano ako makakampante?

Na tiwala akong ikaw, ay tanging akin lang

Gayong marami tayong dapat pang lingunin

Mga pangarap o planong dapat mas bigyang pansin.

Paano ako matatahimik?

Kung sa bisig mo lang ako nakatatamo ng kapayapaan

Ngunit ang distansya natin ay di abot kamay na pwede kitang sandalan

Sa oras na ikaw, ang nakapupuno ng aking pangangailangan.

Paano ako makakalma?

Kung nakikita kong sayo ay marami pang nagnanasa

Na ang tulad mo ay hindi impossibleng mahalin, ikaw ay naising makasama

Na ang lahat ng aksidenteng tutugma sa iyong pagbitiw ang naiisip ko sa tuwina

Paano ako mananahimik?

Kung ang pagkapaos ay hindi alintana

Kung ang mga salita na ukol sa pagibig ko sayo ay naglipana

Nagiintay na ibulalas at ihiyaw sa mundong tayo ay itinadhana

Paano ako hindi maghihinala?

Sa bawat segundong maaring tumakbo na iba na ang iyong sinta

Na hindi na ang mga ngiti ko ang pupuno bilang tinta

Nang plumang susulat sa storya ng buhay mong hindi na ako ang bida

Paano ako hindi matatakot?

Kung ang umagang darating na wala ka ay wala saking hinagap

Kung pano ito sisimulan nang wala ang ‘yong yakap

Ang makita kang hawak ng iba ay magiging simula ng mala’arsenal na pag alab

Paano ako hindi mapra’praning?

Kung ang telepono lang ang tanging kalasag,

Mga mensahe’t letra ang akin lang kayakap, Pangungulila’t distansya ako ay nalalasap

Tanging pinanghahawakan sa bingit ng iyong paglisan ay mapagpalilong tyansang kasing liit lamang ng kulisap.

Mahal, sabihin mo sa akin kung paano?

Paano, ang bukas ng walang tayo?

Paano kumapit sa isang butil ng munggo

Sa dami ng tanong na paano,

Mahal, PAANO NAMAN AKO?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s