Anyong Lupa, Anyong Tubig

Anyong Tao; Anyong taong binudburan ng mga butlig

Anyong Tao; Anyong mukhang sinasakop ng bibig

Anyong Lupa; Mukhang naglalakad na putik

Pawang mapagkakamalan mong doon ka pwedeng magdilig

Anyong Kabayo; Tikbalang,ikaw ang buhay na patotoo!

Anyong Durian; Sa dami ng tusok sa mukha mo

Anyong Daan; Bako-bako’t tanging solusyon ay aspalto

Anyong Teplon; Sa kadiliman ay di ka makita

Anyong Baboy; Hal’tang pinabayaan sa kusina

Anyong Baka; Sa laki ng ngipin nya sa gitna

Anyong Tambutso; Sa labing kay itim at kapal pa!

Anyong Kamatis; Ilong nyang nagmumura

Anyong Mangga; Sa baba mong mahaba’t kumanto pa!

Anyong Kutson; Mukhang naglalakad na Sofa

Anyong Kawayan; Isang ihip lang ng hangi’t pitik ay kakalas na

Anyong Pader; Sandali, nalilito ako. Asan ang harap nya?

Anyong Lola; Damita’y parang sasayaw sa plaza

Anyong Dabarkads; Eat BALUGA ang tema

Anyong Linta; Sa hustong kapal ng kilay nya

ngunit sandali, biglang nawala! andyan na pala sya

si Anyong Monalisa; Sa kilay nama’y napagkaitan sya

Anyong Holdaper; Pag nasilaya’y mapapatago ka ng telepono

Anyong di gagawa ng maganda

Anyong masakit sa mata

Anyong maalibadbaran ka

Anyong nakakatawa..

Napakarami palang anyo ang hindi naturo sa eskwela,

Hindi naturong anyo!

Anyo pala ang magiging sentro ng mundo

Lumaki at natuto tayong mas tumingin sa Anyo,

Ang maging sukatan ng pagiging tao.

Na kahit anuman ang talino,

Talas ng punto, o galing ng talento

Maisasantabi kung ang mukhang ihaharap sa kritiko

Ay tipong maiiling ang ulo.

 

Sana kasabay ng leksyon nuong sa atin ito itinuro

Ang pagpikit ng mata, paningin panandaliang iburo

Sa ganda ng kalikasan ikaw ay mahumaling

Nang hindi ginagamit ang mapanghusang tingin

Dahil wala pang establisimyento ang natatag ang mga kutya

Walang pang napayaman ang maramihang halakhak at tawa

Ang meron lang, at tanging mayron lang

Ay mga lakas ng loob na nagapo

Nabasag na pagasang makakaya mo

Katinuang permanenteng nawalan ng modo

Luha na tahimik na lumunod ng tao

Napantay na paang sa lumbay nagpauto

 

Ngunit hayaan nyo’t ayos lamang

Dahil positibong epekto, meron pa ring iilan

Pangarap kong hindi parin napigilan

Leksyon sa buhay derekta kong natutunan

Mga kasawiang aking napagwagian

Ipaalala na mundo ay pantay pantay lamang

Anumang taas mo sa ngayo’y lagi parin lalagpak

Anyong Lupa-Dito nga kayo tumatapak

Anyong Tubig-Parehas nating nilalaklak

Anyong Tao-Sa parteng ‘to ikaw ay bumagsak

Hindi tumulad sa inyong mga karamihan

Sa inyong mga taong, Nagpapalit katauhan!

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s