Tula Ukol sa Inyong Dalawa

Susulat ako ng tula ukol sa inyong dalawa

Kung papaano kayo unang nagkita

O nuong saya mo nang sa hapuna’y una kang inimbita

Ng kung anong ginamit mong pinsel nung unang beses mo syang ipininta

 

Susulat ako ng tula ukol sa inyong dalawa

Nang ano ang nadama ng inilapat nya ang kanyang mga kamay para sayo ay magpakilala

Kung pa’no pinigil ang kilig mong nahihinagap na sayo ay pawang interesado sya

Kung pano kayo nagtugma sa ngalan ng siyensya

 

Susulat ako ng tula ukol sa iyong dalawa,

Kung papaano nya nagagawang ikaw ay pakiligin,

Isang text lang, at eto’t ka’t mukha nanamang praning

Kung papaano nya nabubuo ang araw mo,

O nabubura ang mga lungkot gamit ang tawag sa telepono

 

Susulat ako ng tula ukol sa inyong dalawa,

Patungkol sa kung gaano ka romansa ang ihip ng hangin,

Kasabay ang presyon ng mga damdamin,

Sa parkeng puno ng mga memoryang nakabinbin.

Kung papaano kayo ka’ilang nang pakiramadam mong ang mga kamay mo’y kanya nang hahawakan.

O kung anong titulo ng pelikulang unang pinanood nyo sa tanghalan.

Kung anong parte ka nito ninakawan ng halik,

Nang muntikang mahuli, kayo ay humagikgik.

Kung papaano sya nagpaalam matapos nyang ihatid ka sa inyo,

O yung saktong senaryo nang pinakilala mo sya bilang nobyo

 

Susulat ako ng tula ukol sa inyong dalawa,

Kung gaano ka kakumpleto.

Kasaya nung sya’y nasasapling mo.

Ang tamis ng mga salitang binibitawan nya sayo,

Pakulong surpresa nya nung araw ng mga puso,

Anong mahilig nyong gawin kapag kayo’y lumalabas,

O di kaya’y mga problemang sabay nyo nang nalutas.

 

Mga bagay na nagawa rin natin ng madalas,

Nahigitan pa’t ang kulay ay hindi man lang kumukupas.

Malugod kong isinulat ang mga tulang ito,

Dahil alam kong ito ang syang naalala mo,

Sa mga pagkakataong magkasama tayo.

Na ang mukha nya ang iyo paring nasisilayan

At san man tayo tumungo ay inyo itong tahanan

 

Nakikita ang kislap ng mga mata mo,

Ang pintig, tugtog ng puso’y hindi ako.

Sabay man natin ngayon tinatahak ang daang ito

Ay batid na  nakalingon parin sa likod ang ulo mo.

Palihim, pahapyaw na humiling

Na sana’y ikaw pa rin

Ang laman ng kanyang damdamin.

Na ang inyong mga awitin,

Ang walang sawa mong didinggin.

 

Mahal, ikaw ay isang ibong nais nang kumawala

At ako ang mga kamay na pikit matang bubuksan ang hawla,

Hahayaan kang lumaya.

 

At tulad ng isinulat kong tula,

Kayo nga ay nagtugma.

Na kung itanghal ko man ang bawat mga salita

Ay madadama ng madla

Ang nasabing kulay ng pagibig.

Na tila ba bandila nyo ay iwinawagayway

Sa bawat mga baybay

Ng mga nasabing litanya na kumukubli rito ang sakit,

Inggit,

Lihim na pagngingitngit

Pero wag mong iisiping ako’y nagtatanim ng galit.

Ang saya kong makita ka sa alapaap ay hindi pakitang tao,

Hindi ito pagbabalat-kayo bagkus ito ay ako

Na nagpasinaya ng kalayaan,

Ito sa akin ay karuwagan,

Ako man ay nawalan

Ngunit hindi nangangahulugan

Na aking pipigilan ang ibang kasiyahan,

Magiging sanhi ng naudlot na pagmamahalan

Dahil minsan may nakapagsabi sa akin

Na “kung ikaw ay hindi magbigay sa mundo

Ay ninanakawan mo ang sarili mo”

 

Kaya sa ngayon ay hahayaan ko

Ang sariling magbigay at magbigay sa mundo

Dahil alam ko na balang araw ay darating ang panahon na ako naman ang magdadamot

Ako ay mapapagod

At ang oras na iyon,

Ay ang pagdating ng aking berso,

Ng tamang tono sa aking liriko.

Kami rin ay iindayog sa  musika ng pagibig,

Kami ay iindak kasabay ang pintig sa dibdib,

Tatayo sa gitna,

At kami naman ang gagawan ng mga tula.

Lalamunin ng saya na daig pa ang fiesta,

At sa libro ng buhay ay palagiang nasa pahina

 

At kung ito ang maging katumbas ng lahat,

Ay aking yayakagin ang pait alang alang sa tamis,

Ang parusahan ng walang paglilitis,

Ang lahat ay magiging sapat

Dahil mas pinili kong sumulat ng tula ukol sa inyong dalawa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s