Bakit matanda na si Tandang Pananong?

Ang gulang ay hindi nalalaman base sa dami ng taon

O kung gaano kalalim ang nasisid mong balon

Bakit nga ba matanda si Tandang pananong?

O dakilang mangu’ngwestyon ibigay na ang iyong rason!

  • Kase paulit ulit sya.

Paulit ulit tayong nagtatanong. Mula sa mga pangyayaring nangyari na. Kahit wala na tayong magagawa pa ay pilit parin natin ibinubuka ang hilom ng sugat na matagal nang nakasara, mahigpit na isinara ng kasagutang wala naman na talaga. Na kahit ang sagot na itinururin nating mailap at mapang imbot ay nasa harapan na tayo mismo ang sinasampal na purong katotohanan kaya’t nagmumukhang kahibangan.

  • Kase habambuhay syang lumilibot sa mundo

Nabuhay, Mabubuhay, at mamamatay tayong nagtatanong, at iilan lamang ang maswerteng sa kasaguta’y hahantong

Habang nasa sinapupunan, anong kasarian?

Pag iniluwal na’y, anong balak nyong pangalan?

Walang tigil na umiiyak, anong iyong kailangan?

Sa araw ng binyagan, sinong mga ninang?

Sa oras ng lambinga’y, si nanay ba o si tatay?

Unang araw sa eskwela, ano ang iyong pangalan?

Habang nagaaral, ang medalya mo ‘y iilan?

Nagkatrabaho, magkano ang sweldo mo buwanan?

Nagka-nobya, aba’y kelan ba ang kasalan?

Nagka-anak, kamusta ang ‘yong pagaaral?

Namanhikan, unica hija.. handa ko na bang bitawan?

Naging Lolo, sinong paborito kong apo?

Sa tumba tumba, kailan ba ako lilisan?

Sa puntod, itay mabibigyan mo ba ako ng kapatawaran?

  • Kase alam nya lahat. (Alam na ni Tandang Pananong ang lahat)

Minsan kase, tanong na mismo ang  sagot

Lagi kase nating syang tinatanong pero hindi natin namamalayang sya na mismo ang sagot.

Ang posisyon nya pa lang sa dulo ng pangungusap o parirala ang syang nagbubulalas na iyon. Iyon ang sagot sa tanong.

Sya ay nasa dulo. At ang dulo ay Wakas. Ang Wakas ay Pagtapos. Ang Pagtapos ay pagupos ng apoy na minsang nag alab sa mga isipang nabagabag. Kaya tayo nag tanong ay dahilan na tayo ay tapos na.

Mahal mo ba ko? Tapos ka nang magtiwala

Nahanap mo na? Tapos nang mawala

Totoo ba? Tapos ka nang maniwala

Umaasa ka pa ba? Tapos ka nang maghiwaga

Kailangan pa ba? Tapos ka nang mag alinlangan

Ayaw mo na ba? Tapos mo nang pagisipan

Pwede pa ba? Tapos ka nang matauhan

Ayos ka lang? Tapos ka nang masaktan

Galit kaba? Tapos ka nang gumawa ng kasalanan

Sya pa rin ba? Tapos ka nang tumahan

Sya na ba? Tapos ka na. Tapos na kayo, Tapos na ang inyong yugto

Lahat ay matatapos, sa kasisigaw ng katanungan ikaw ay mapapaos. Ang kinabukasan ay mararaos nang walang tanong ang hindi natatapos. Dahil ang ugat ng tanong ay maaring magbunga ng sagot, ngunit mas maraming sanga ng kaukulang katanungan ang mas reresulta.

Sana kase, hindi na lang ako nagtanong. Hindi ko ipinakilala si Tandang pananong. Para sa bigat ng dinadala ko ay wala ka nang mapataong,  Sa sakit ay mayron ka pang na’gatong.

Si Tandang Pananong, ay walang edad, gulang o dami ng taon kundi sya ay may panahon!

TANDAANG may PANAhon ang pagtataNONG.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s