Kibit-Balikat

Nilapitan kita,

Hinawakan ang mga balikat mo sa magkabila,

Dinampi ang mga labi ko sa parte nitong luwa

Na mula sa pansamantalang ibinalabal mong twalya.

Pina’anod ang oras habang nilulusaw ko sa titig

Kung gaano kaperpekto mo idinilig

Ang pusod sa buhok mong kasing itim ng isang gabing malamig.

 

Tama, isang gabing malamig,

Na patuloy mong pinaiinit.

Mula sa iyong mga haplos,

Na patuloy akong ginagapos

Mula sa isang kamay na pumipigil sa lakas ng mapinsalang unos.

 

Isa kang aktres na mariing binabantayan,

Ang galaw ng bawat katawan,

Sa teatrong nasa loob ng iisang bubungan

Sa isip ikaw ay ginagawan,

Ng mga bagay na nais gawin sa aktwal,

Habang pinapalitan

Ng maamo mong mukha, ng mga torso sa nakita kong larawan sa bilyaran.

 

Ang sabi ni inay ay wag ko daw munang gawin ito,

Kaya’t sige dahil ginusto mo

Ay doon tayo sa kwarto!

Susubukan muna sa iyo,

Aba’y para pala ‘tong sundalo

Na bago ma-llamado

Ay dapat may masusing ensayo.

 

Saka na tayo mag gunam- gunam,

Saka na tayo panghintakutan,

Saka na tayo bumaling,

Saka na tayo umiling,

Saka natin salagin ng “nagmahal lang naman ako”

Kahit alam natin ang totoo

Na ibang uri ng pagmamahal ang dapat nating ipadama,

Na aroma ng bawat isa

Ang hinahanap hanap nating dalawa,

At wag kang magalala hindi ako sumasaliwa.

Hindi ako merkado,

Na gusto ay laging bago,

Ang nasa kong solido,

Ay iyan lang iyo.

 

 

Hayaang palad mo ay hawakan,

Tayo ay magsabwatan,

Isalin ang mga salita sa kindatang makahahulugan,

Sa simpleng pagdikit ng aking dibdib,

Sa misteryo ng sandal

Na hindi basta kwentuhan ang kinakailangan

Kundi katuwang sa pagtarok sa kaginhawaan,

Ang ritmo ng musika ng biyolin ay atin nang saliwan,

Ng mga mahataw, at pakawala mong galawan.

 

 

Maglakbay tayo hanggang sa kung saan,

Hindi uso ang kasalanan.

Para di na ko maabalang takpan

Ang bibig mong handa sa hiyawan,

At mabagabag mahablot ang momentong hindi kagandahan.

 

Hwag kang magalala ititigil ko rin naman,

hindi ko lang alam kung pano, mawari kung kalian.

 

Kaya sa ngayon ay ibaling mo muna ang tingin,

Sa iba ito ipaling

Dahil ang takbo ng isip mo ay nababagabag sa tuwing

Nasisilayan mo kung papaano ka laplapin

Na halos mawalan ako ng hangin,

Kung paano ikubli ng tinatawag na romansa,

Ang kalat na nadulot nating mas malatak pa sa grasa,

Dulot na tayo ay sa gabing ito ay iisa, iisa!

 

Iisa ng sinapupunang nilabasan,

Nilabasan.

Tinigasan.

Ikaw ay tinurukan,

Sa lakas na kakailanganin tayo ay maghalinhinan,

Ikaw ay padramang sasaktan,

Tayo ay tatayuan

Ng mga balahibong pawang nanonood tayo ng katatakutan,

Na sa hinaba haba man ng ating tinakbuhan,

Ay tayo paring dadatnan

Ng ating pinangingilagan,

 

 

At  bandang dulo kapag naakyat na natin ang kalangitaan,

Nalagalag ko na ang kabundukan,

Nabulabog na ang mga paniki sa iyong kaibuturan,

Naupos na ang sulo na matagal kong sinilaban.

Lalapitan kita,

Hahagkan ang mga balikat mo sa magkabila,

Idadampi ang mga labi ko sa parte nitong luwa

Na mula sa pansamantalang ibinalabal mong twalya.

At tatanungin kita,

“Utol tama pa ba?”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s