Manong

 

Lumabas ako ng bahay na binagsak ang pinto,

Matulin kong binaybay ang kahabaan ng baryo

Sa tindi ng galit ko ay hindi ko na naisip ang masasalubong kong pelagro,

Bilog ang buwan halos lahat na ay nasa kalagitnaan

Ng mahimbing nilang paglisan 

Sa reyalidad ay pahapyaw nating natatakasan

Ang pait ng buhay sa pansamantalang pagpikit ng mata nating nangangalay.

 

Derederetso lang ako ng lakad,

Hindi ako hinihingal,

W ala naman kase akong mabubunggong sinuman.

Ang paningin  ay nag hahalinhinan

Sa sahig,

Sa kawalan

O di kaya’y sa kalangitan,

Mali.

Hindi sa kalangitan, sa kalawakan.

Sa kalawakan kase pawang bituin lang naman

Ang aking namamasdan,

Walang sinumang makapangyarihan

O sinumang lahat ay kanya daw alam.

Marahil ay hindi nya nga rin siguro batid na ako ngayo’y nagugulumihanan

Sa mga bagay na wari’y wala naman syang pakielam,

Mas marami syang mas nararapat na pagtuunan

Ng atensyong hindi ko naibigay bilang kapalit na inaasam.

Mas maraming mabait dyan,

Magalang,

O sumusunod sa utos ng may pangalan.

 

 

Derederetso lang ako ng lakad,

Hanggang sa may nabunggo ako

Hindi ko namalayang hindi ko na pala alam

Ang lugar kong nilalakaran,

Tama. Naliligaw ako,

Asan na ko?

Teka lumiko ako tapos ano,

Sandali magtanong na lang kaya ako

Doon sa lalaking nabunggo ko?

Hindi, wag. Ayoko

Mas marami pang naliligaw dyang mas nais at nangangailangan ng mapagtatanungan,

Asan na nga ba ako uli?

Luminga ako sa kaliwa at sa kanan

Hanggang sa napailing ako

At tinawag yung mamang kanina ay nabunggo,

Hindi para humingi ng tawad bagkus para manghingi ng panuto.

“Manong, Manong! Saan ang daan patungo sa katapangan?

Patungo kung saan meron bahay kalmahan?

Paano’y lagi kase akong pinagagalitan

Ng aking mga magulang

Parang lahat kase ng bagay na ginagawa ko ay parang kamalian,

Gusto ko kase silang sigawan

Gusto kong makipag sagutan

Gusto ko kanilang malaman na hindi ko sila kailangan!

Pero mas pinili ko munang maglaboy muna ng panandalian.”

 

 

Ikaapat na kanto sa ipinangakong bato,

Yoon ang dapat mong sundan,

Makakakita ka roon ng bahay na madalas pinupuntahan.

Pumasok ka roon at doon

Doon mo matatagpuan ang tunay na katapangan”

 

Naglakad akong palayo hanggang sa nakauwi ako, pumanatag ang loob ko.

 

 

Ilang buwan ay muli kong binalibag ang pinto

Naglakad ng derederetso,

Hindi mali takbo.

Tumakbo ako habang namumugto

Ang mga mata ko.

Muli akong may nabunggo

Hindi alam kung bakit bumugso ang damdamin

Akin sanang palalampasin

Pero di napigilang abutin

Ang dulo ng laylayan ng damit nyang mala’lampin.

Sya ulit.

 

 

“Manong manong, Saan ang daan sa tunay na pagmamahal?

Saan ang daan sa mga tanong kong may kasagutan?

Iniwan nya ko, hindi nya na daw ako mahal,

Tinanong ko sya kung mtatanggap nya pa ba ko ang sabi nya hindi ko alam”

 

 

“Unang kanto sa ipinangakong bato,

Yoon ang dapat mong sundan,

Makakakita ka roon ng bahay na madalas pinupuntahan

Pumasok ka roon at doon

Doon mo matatagpuan ang tunay na pagmamahal” 

At bukod pa doon ay binigyan nya ko ng libro,  

Iyon daw ng mapa ng mundo,

Nakalimbag ang mga detalyadong kwento,

Nakatakdang mga plano,

Na puno ng makahulugang sentimyento

Laman ang kasagutan sa tanong ko”

 

Naglakad akong palayo

Hanggang sa nakauwi ako.

Binuklat ang binigay nyang aklat,

Pumanatag ang loob ko,

Nasagot ang mga tanong ko,

Kumilos ayon sa nakasaad na plano.

 

Agad itong nasundan ng marami pang kabiguan,

Hanggang sa nadatnan

Ang sariling wala na kong pangingiming ika’y laging nasasabihan,

Lagi kitang nakabubungguan,  

Natataong ikaw ang napagtatanungan.

 

 

“Manong manong, saan ang daan tungo sa kaginhawaan?

Manong Manong, saan ang daan sa lugar na may tengang handa akong pakinggan,

Uunawang isipan,

Wala kasi akong mapagsabihan,

Wala namana kaseng may pakielam,

Wala akong kaibigan,

Wala akong kakwentuhan, 

Manong ayokong makipagusap lang sa tala arawan

Wala naman akong napapalang kasagutan.

 

Manong Manong saan ang daan sa kapayapaan?

Ayoko na

Ayoko na lagi na lang ganito,

Bakit ganito ang buhay ko,

Tatapusin ko!

Tatapusin ko!

Ang buhay na sabi sa aki’y regalo daw

Ngunit pawang sa akin ay tanikalang, sa hagupit ako hinahataw,

Manong gusto kong makalimot, ano bang gamot?”

 

 

 

Hindi ka sumagot,

 


Bagkus sinamahan mo akong tumungo sa bahay na madalas sa aking pina\pupuntahan

Pumasok tayo roon at doon

Doon ko natagpuan ang krus!

Na sagisag ng walang hanggang pagmamahal

At tunay na katapangan,

Doon pala ang bahay kalmahan,

Sa bahay dalanginan!

Ang sabi mo saki’y matatagpuan ko ang tengang kinakailangan

Sa paglapat ng aking mga palad,

Sa pagpikit ng aking mata ay ibulalas ang aking mga problema,  

Umawit ng papuri sabay ng rumaragaasa kong luha,

Halika sa bisig ko at madadatnan mo ang daan sa kapayapaan

Nakita ko ang pagasa

Nang ilapat mo ang mga kamay mong may butas sa gitna

Sa aking nanlulumong mukha

“Anak, mahal kita”

At ibinunot mo ang aklat

Na akin noong binuklat at nasiwalat

Ang mga kasagutan kasabay nito ay napaling ang tingin

Sa sinabi mong ipinangakong bato,

Na laman ang Sampung utos na animo’y sundin ko

At dito naalala ko kung ilang beses kitang nilakaran palayo,

Ilang beses tayo nagkasalubong,

Hindi.

Hindi tayo nagkrus lang ng daang tinatahak 

Bagkus ako’y iyong hinanap,

Mula sa aking pagkakaligaw, ako ay iyong niyakap,

Ilang beses kita nabunggo.

Mali.

Maling sabihin na nabuggo lang kita

Dahil hinintay mo ko,

Sinundan

At binabantayan kung kelan mo ulit ako mapapatahan.

 

 

Manong, ikaw na ngayon ang magmaneho,

Mag mando kung saan tayo tutungo

Sundin natin ang plano,

Sundin ang iyong ipinangako,

 

Ayoko na lang kitang makabunggo,

Gusto kong hawakan ang mga kamay mo

At sundan ang mga yapak ng paa mo.

 

Manong, hindi na kita bibitawan,

Dahil hindi mo ko pinagsawaan

 

Manong, paano kita pasasalamatan?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s