Yung Sinasabi Nilang Pagibig.

Gusto ko magkaroon nung sinasabi nilang pagibig.

Yung tipong kumakabig daw sa dibdib, o yung pangalan ang katumbas ng pintig.

Yung nakikita sa mga pelikula, yung mga nababasa ko sa nobela.

Yung hindi lang ako yung kikiligin pag ikinuwento ko sa iba

Yung sasabihan akong wag na kitang bitawan pa

Yung laman ng bibig ko sa tuwina

 

 

Gusto ko magkaroon nung sinasabi nilang pagibig.

Yung tipong tinitiis kahit mahirap

Yung kakikita nyo lang  mamimiss mo agad

Yung eehem ka muna bago sagutin yung tawag

Yung nakatutulong kahit wala naman talagang naambag

Yung simpleng presesya nya’y magagawa mo ang lahat.

 

 

Gusto ko magkaroon nung sinasabi nilang pagibig.

Yung tipong konektado ang lahat ng bagay sa paligid mo sakanya

Yung nakikita mo sa halos lahat ay ang mukha nya

Yung laman ng reyalidad at pantasya

Yung kabisado mo lahat ng tungkol sa buhay nya

Yung hindi ka nabuburyong dahil kayo ang magkasama

 

 

Gusto ko magkaroon nung sinasabi nilang pagibig.

Yung tipong magkausap magdamag pero hindi nauubusan ng kwento

Yung para sakanya lahat ng kantang mapapakinggan mo

Yung hindi kayo nagsasawang kumuha ng litrato

Yung pikit mata sa lahat ng negatibo

Yung mga lambingang todo

 

 

Gusto ko magkaroon nung sinasabi nilang pagibig.

Yung mga salitang nasasalin sa mga titig at ngitian

Yung tipong tanggap na mauuwi sa hiwalayan

Yung sakit dahil sa sobrang nagmahal

Yung pakiramdam ng walang hanggan

 

 

Wala naman kaseng kumakabig, ang mayron lang eh dibdib

Walang pangalan ang meyron lang eh pintig

May panonood at pagbabasa ngunit wala kapareha

Walang kwentong ikukwento sa iba

Walang bibitawan kase walang hinahawakan

May bibig at may tuwina wala namang laman           

 

         

Walang nangangahas, walang nahuhulog

Walang naman kaseng naglalakas loob

Parati na lang bang masasanay sa malamig

Gusto ko lang naman ay iyong tinatawag nilang pagibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s