Oplan: Hanapin Ka.

Nilalamon ng ulap ang buwan

Ng kulay abo ang bughaw na kalangitan

Nilulusaw ng mapanuyong titig

Ang haplos ng nangingiming lamig

 

Gabi nang una kitang nadatnan

Sentro ka ng sayawan

Kahit hindi kagalingan

Ay ika’y kinagigiliwan

 

Wag mong pagdalawang isipang

Ang binibining tinutukoy ay iyong nasa bahay-aliwan

Dahil sya ay simpleng Maria Clara

Sawi’t iniwan ng tinuring Crisostomo Ibarra

 

Hindi ko dinaklot ang naka’ambang takot

Baka ako’y pangunahan, sayo’y di maka abot

Pasimpleng nilapitan, mala’mr. romantikong galawan

Iyon nga lang hindi akin ang unang kataga sa usapan.

 

Pare’parehas kami, ako’y binulyawan

Patawa akong sumagot sinabi ko’y hindi naman

Sabay tayong nagtawanan mula sa kawalan

Sa iyong gabing malamlam ika’y aking sinabayan.

 

Mas nauna ko pang nalaman kung paano ka nya iniwan

Kesa sa iyong ginintuang pangalan

Sa malawig na pagpatay ng sindi ng ilaw

Ay pinuno mo nang may kasamang luhang pagsigaw

 

Sinungaw ng paningin ang iyong kaluluwa

Ngayong gabi, pansamantala kang nakilala

Sa kwentong lasing ako’y iyong pinamihasa

Lenggwaheng batid lang nating dalawa.

 

Niyayakap ng mga mata ko ang nakatutuwang sayaw mo

Hindi nangangawit ang balakang sa paulit ulit na pagagapay sayo

Hinahagkan ka ng naakasukbit na balabal ko

Mga ngiti’y hindi ko na mapawi, mukha na kong loko.

 

Ngayon ay dinala mo ako sa paraiso

Ang magkaroon ng tawang pinakapuro’t totoo

Magsisilbing panaginip ang gabing ito

Ang hindi na magising tulungan mo ako.

 

Sa darating na bukas ikaw pa ba’y masaksihan?

Binibining irog ko, ako pa ba’y matatandaan?

Na’ako kita nang walang halong sekswal

Malugod akong, ngayon. Naging atin ang kagabihan

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s