Nar’yan na si Taning!

 

Walang dapat ikatakot

Sa patuloy na pagikot

Mga matang malilikot

Ilimayon mo’t ilibot.

 

Hwag mo akong alalahanin,

Sa lahat ng gagawin

Isantabi mo muna ako’t panandaliang limutin

Isipin mong kalianman ay hindi ako dadating.

 

Buksan ang pintuan ng buhay,

Sa mga taong maari mong makasabay,

Magsilbing tulay

Sa bawat madadanasan mong sablay.

 

Bakit hindi mo halayin ang buhay?

Hindi lang sa nakaraan ikaw ay tumambay.

Magtanim at magtanim ng palay,

Para di lumao’y anihin sa papuri ka malatay

Sumabay sa agos na tumutuligsa,

Yakapin ang hirap na rumaragasa,

Pumikit sa mga umaambang balakid,

Ang pising kumakabit ay wag hayaang mapatid.

Lumakad ka sa gitna ng lusak, anumang lubak

O nakabalandrang sandamakmak,

Lulan ay ang sayang katumbas ng tapang mong dala.

Hawak ang kamay ng iyong sinta,

O imahe ng mga pagsubok na napagwagian na.

Baklasin ang mga parte ng sariling nagapo,

Alalahaning may naghihintay sa dulo,

H’wag malinlang sa dagok na tumtukso

Ang hindi tumataya’y kailanman ay hindi nanalo.

Hwag mo akong alalahanin,

Sa lahat ng gagawin

Isantabi mo muna ako’t panandaliang limutin

Isipin mong kalianman ay hindi ako dadating.

 

Hwagg pigilan ang sariling lumigaya,

Malusaw, maging likido sa mga halakhak at tawa,

Mahalin mo ang gabing handang magumaga,

Lasapin ang sarap ng pagiging malaya

Humanap ka ng kapareha,

Bumuo ng tahanang tatawagin mong pamilya.

Mga supling na balang araw ay di mo na makikilala,

Sa sintang Binibining ang puso na lang ang naka’aalala

Maging pantas sa siklo ng buhay,

Dalubhasa sa solusyon sa problemang naka antabay,

Sa mga putak ng bibig ikaw ay paunti unting maluluray,

Hindi ka mawawasak pagkat sila’y naka antabay.

Sumilay man ang unos ay iyo itong harapin,

Mapagimbot na mga mata’y sa tagumpay sampalin,

Ang galit ay wag mong tatanimin

Bilang inspirasyon ito iyong gamitin.

Lumuha ka ng sandali ngunit sa likod ng marami,

Hwag mong ipamukha ang kasawia’t  pagkakamali,

Sa pagiging kabalan ikaw ay mandiri

Baka sa dulo’y sumabog sa katapusan magdumali.

At kapag ang lahat ay nalampasan,

Ang mahal sa buhay ay nalagay na sa kapanatagan,

Sa araw araw  nila akong binibigyang kasiyahan

Saka na bubukas  ang pinto sa kalangitan.

 

Ngayon mo ako alalahanin,

Iyo nang bilangin ang dapat mong gawin

Ang oras, panandalian mong limutin

Isipin mong kalianman handa ka saking pagdating.

 

Wala kang dapat ikatakot sa pagpikit ng matang malilikot,

Na sa haba ng panahon ay sapat na ang nalibot,

Oras na para magpaalam munting nilalang

Kamay ni kamatayan, payapa mong hawakan

 

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s