Panahon Nanaman

 

Pinamulat sa lugar na kinalakhan
Ang importansya ng hakbang nadapat daw pagdaanan.
Ang lagusan na nararapat lang na tagusan.
Ang Hapdi na kailangang malampasan.
Ngunit hindi maaring pangilagan.
Ang daan tungo sa tunay na katapangan.
Ang sabi sa aki’y sa oras na matapos na ang pagkakataong madanasan ng karamihan ang nasabing hakbang
Ay mabubuhay ka na daw ng puno ng kasiguraduhan
Na balang araw ikaw ay may kakayahang taniman
Ang tuyot na kapatagan,
Ang nakakalbong kabundukan,
Ang dagdagan ang nasabing nababawasan.
Ang halinhinan ang bawat sakit na mas pamayaniin ang ginhawa, Na uulit ulitin man ay hindi ka magsasawa
Bagkus ay maalintana
Ng responsibilidad na kaakibat ng sarap na nalasap.

Ang kwento ni mama ay hindi naman daw masakit, masakit sa una
Pero sa oras na turuka’y hindi na.
Dere’deretso’t walang anumalya,
Wala ka na daw madadama
Pwera ang bunot ng tinik na tapos na!
Tapos na ang problemang ilang taon kong ipinaghanda.

Ngunit bakit iba na ang tabas ng kwento sa iba?
Na ang proseso na nakaabang ay puno daw ng kababalaghan.
Marami na daw ang tinakbuhan,
Kinalimutan,
Ipinagpaliban,
Hinimatay nang panandalian.
Paguwi mo raw ay sasalubingin ka ng bungisngisan,
Mga batian,
Tuksuhan
Ngunit di mo sila magagantihan.
Dahil ang mga kamay mo’’y nakagapos sa iyong salawal.
Na iniiwasan dumikit, bumangga
Sa sugat na hanggang kalingkinga’y iyong ikahihina.
Na sa oras na kumabig
Ay mas masakit pa sa pagibig,
Mapasisigaw na halos mapatid ang litid.

Ngunit akin nalang yayakagin ang kirot,
Ang maging mahina ay panandalian ibabaon sa limot,
Ipipikit ang matang malilikot,

O di kaya’y akin munang ilalaboy.
Magapaalam na sa pagiging totoy,
Sa wakas! Binata na si biboy! 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s