KAKAIBANG WAKAS

Naalala ko nung sinabi mo sakin na,

Hindi ako ang uri ng prutas

Na matatabas mula sa komon na puno.

Hindi ako ang tipo ng damit na hihigit lang sa libo.

Hindi ako askal kumbaga sa aso,

Hindi ako nagkataon bagkus isang milagro.

Ang nakatakdang pangako.

Ang natatanging prestiryosong sinadya ng  mundo.

 

Dahil ako, ang prutas na hindi lang nararapat na pitasin,

Ngunit kailangan pang hagalipin.

Damit na walang kapares dahil nababagay lang sa atin.

Asong matarok man ang lukso ng lahi

Ay nanatiling tinataglay ang depinisyon pagkahol.

Ang kakayahang maging proteksyon.

Ang i’plastar sa iisang panig ang malibot na ulo.

Ang panghawakan ang pangarap na minsan nating binuo.

Na kahit datnan man  ng dulo

Ay pahalagahan ang salitang itinaga sa bato.

Na patuloy na lalaban kahit na ipagpaliban

Ng isa ang ang nasabing usapan.

 

 

Sana iniwan mo na lang ako tulad ng mga napapanood ko sa pelikula,

Yung may nahuhuli kase silang kirida,

Kase magkapatid sila,

O di kaya’y tuluyan syang nahulog sa iba.

 

Sana binitawan mo nalang ako tulad ng nababasa ko sa nobela,

Yung tipong nagpaparaya ,

Kailangan nilang umalis ng bansa

Pagkatapos ang komunikasyo’y biglaang napuputol at nawawala.

O yung senaryong ayaw ng mga magulang nila sa isa’t isa.

 

Sana inayawan mo na lang ako kase sawa ka na,

Na ang mga ngiti ko ang hindi na sayo nag papagana,

Ang aking mga “mahal kita”sayo’y naging basyong mga salita,

Ang pagibig mo sakin ay naglaho na parang bula.

 

Sana sinukuan mo na lang ako sa paraang magaaway tayo

At pupunuin ng galit ang puso

Nating magiging manhid at madaling malilimot ang bawat isa,

Iiwan mo ako sa gitna ng ulang rumaragasa kasabay ang mga luha.

 

 

 

Pero hindi.

Ayon sa’tin ang lahat.

Wala tayong lamat,

Walang iba,

Walang pagpaparaya,

Walang pagputol,

Walang tutol.

Walang away.

Ang makahulugang mahal kita ang walang sawang wumawagayway.

Masaya tayo.

Kontento.

Masasabing halos perpekto

Akong panatag sa bisig mo.

 

 

Pero naisip ko yung minsang sinabi mo,

Na ako,

Tayo sa pagkakataon ito

Ay hindi prutas na basta lang matatagpuan

Sa komon na kagubatan

Bagkus isang kayamanan

Dapat pagukulan ng oras na tayo lamang

Ang makakapagsabi kung hanggang kalian–

Tayo magsisimula at hahantong sa katapusan.

Pinili mong maging kakaiba tayo.

Maging taliwas sa nakasanayan ng maraming tao,

Iyong temang ituturin tayong idolo.

Hinabi mo ang kwentong parang ikaw lang ang bida.

At ako ang miserableng mabubuhay sa simpatiya ng mga mambabasa.

 

Ako,

Na kahit taon man ang lumipas

At mapupuno ang araw ko ng mga halakhak at tawa

Ay darating sa punto na uuwi akong magisa

At makikita ang larawan nating magkasama.

Kukurumpot sa sulok at buo parin akong mangungulila.

Na hindi nahihilom ang sugat na iniwan mo nang lumisan ka.

 

 

Hindi ko na mawari kung anong gagamitin kong pang-langgas

Sa kasalukuyang wala ka at sa darating pang mga bukas.

 

Sa pinakahuling pagkakataon,

Bibigyan kita ng kondisyon

Para pawiin ang galit na sa mundo ko natutuon,

Mahal, sa pinaka huling pagkaka taon.  

Halikan mo ako.

Halikan mo ako ngayon.

 

 

Ngayon habang hawak ko ang kumpol

Ng bulaklak

Na hinehele kong nilapag

Sa batong malamig, magaspang

Ay buong tapang kong hinarap

Ang buhay na biglaan kang tinawag.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s