#pagmaHALALAN

Nang ang mga polyetos ay nagkalat sa daan,

Namasdan ang maraming mukhang naka’embaligo sa trapal,

Naririnig ko ang mga musikang sumusigaw ng pangalan,

Ang mundo ay nahahati sa kulay na naghahalinhinan

Na naguunahan sa pag’abot ng bituing karugtong ng kaunlaran

Naisip ko, kung gano kaganda si Inang Bayan?

Para nagkakandarapang ligawan ng mga pangalang

Tanyag bilang produkto ng magagandang eskuwelahan,

Ng malalawak na karanasan,

Nanalo ng prestirhiyosong karangalan

At maraming katiwalian,

Mali. Bakit may katiwalian?

Sandali, maraming katiwalian.

Tama,  na patuloy na natatakpan

Ng mabubulaklak na salita,

Ng samu’t saring pasaring na patuloy na ipinapasa.  

Na marahil sa ngayon ay hindi mo mababatid

Ang tunay na agos ng tubig,

Dahil pansamantala nitong dinidilig,

Ang anino ng asensong pahilig.  

Sa una ay uulanin ka sa tuwa,

Ikaw ay magpakasasa

Habang iyo pang nadadama

Ang biyaya

Ng labis nyang uhaw sa naturang upuan,

Ng labis nyang pagasam sa kamay na hawakan,

Sa tinataglay nyang tapang

Alang alang sa ilang taong kasaganaan.

Na kung hindi mo na matamo ang tatag ng serbisyo,

Bihira ang ambon ng benepisyo,

Ang kulay  na nakasanayan mo ay paunti nang naglalaho.

Ay dito.

Dito  mo na matatanto

Ang pagsisising hatid ng pagkabulag sa pahapyaw mong pakikipagsosyo

Sa negosyong nakatakda nang ikaw ay matalo,

Ang panandalian kang sumaya buhat ng sandaling pagpatok nito.

Hanggang sa matagpuan mo ang sariling,

Magisang humihiling, nag’gugunigunihin

Na paaano kung mas pinili mo sya,

Na ang lahat ay nasasakanya na,

Bagkus naroroon ang takot, na sa dulo’y bitawan ka

At biglaan syang mawala.

O iyong isang  sa sobrang liwanag ay mabulag kang makita

Ang pansarili mong ligaya,

Ang dilaw na nagpasinaya ng kalayaang natatanaw

Ay unti-unting pumupusyaw

Buhat ng maraming sigaw

Na lumiliko ang daan; na sa tuwid daw ang halaw.

O di kaya yung isang bugbog ka sa kadiliman

Bagkus masasalamin ang katotohanang

Tayo ay mariit man

Ngunit tatahak sa kasiguraduhan.

“Tayo ay habang buhay magmamahalan”

Piliin,

Gamitin at

Sagarin ang pagkakataong ikaw ay  dinidinggin.

Ang tinta ay hindi basta lamang tinta

Na papatak sa daliring syang magdidikta ng bukas na dala.

Bagkus bilang sagwan,

Na iyong hahagkan

Anong direksyon man

Ang dapat  puntahan.

Ipaling hindi lamang dahil nasasaad ng karamihan

Bagkus iyon ang tama mong maging tahanan

At ng marami pang mamamayan.

Hindi ko sinasabing ika’y  maging isang pilibustero

Bagkus isang Pilipino.

Hindi yung Pilipinong matatagpuan mo sa pahina ng makalumang libro.

Bagkus iyong tipo,

Na kahit ilang beses mang kumahig,

Kumabig,

Kumahig,

Kumabig,

Kinabig

Ng balang ilang ulit man tumagos

Ay hindi nagpapatinag sa agos,

Direkta paring tumititig

Na balang araw ay maka-aalis tayo sa gapos.

Tayo ay magtatapos.

At mahal, tulad ng halalan

Ay hahantong ang lahat sa katapusan,

Hanggang sa dulo ng termino

Ng nanalong pangulo

Ay patuloy paring magbibilangan,

Ng nagawa para sa minamahal nyang mamamayan

Na hindi batid ng iilan

Ang mga bagay na nasakripisyo ng lingkood Ginoo

Para lamang sa ikasisiya ng publiko.

Sa dami ng napagwagiang kaso,

O natapos na proyekto,

Ay pawang ang mga palpak at depekto

Ang mas napapansin ng tao;

Tulad ng pagibig! 

Ang sakit,

Pighati,

Panibugho;

Ang syang mas namayani

Bilang konotasyon sa mas nakararami.

Nauwi ang magagandang bati

Sa paninirang puri.

Ang mala-langit na tangan

Sa mapait na sakitan.

Ang dating bolahan,

Ngayo’y saliwaan ng punlaan.

Marahil nga siguro tama ang iilan,

Na ang lumahok sa ganitong pangyayari ay walang kapararakan.

Kung hukayin ang kaibuturan,

Ay walang matatagpuan

Hahantong sa wala, datapwat purong kalokohan.

Ang sabi ng  kritiko,

Nalintika’t mga naloko,

Na dapat ‘tong pagdaanan pagkat nasusulat sa kasaysayan ng libro

Na dapat magluklok para sa mas magandang tono

Ng pambansang awitin ng sambayanang koro.

Ang sumugal sa nakaabang na peligro

.

Sa lahat ng may boses, sa isip mo ikintal

Tulad ng kung sinong may pusong pumantal.

Ang halalan ay tulad ng pagmamahal.

Kung hahamakin mo ang lahat, ay masusunod ang Inang bayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s