Pag-ibig (n) (adj) (adv)

Tulungan mo akong bigyang depinisyon ang salitang pagibig

Bigyang kahulugan ang bawat mga pintig,

Ating pakanayamin kung bakit nagrarayot ang mga paro-paro

Ipakonsulta kung bakit nanginginig ang mga tuhod ko.

Dahil pasensya, hindi ako  gamay sa mga ganitong pakiramadam,

Hindi ako sanay sa ganitong kahibangan,

Sa bawat panaginip na ikaw lang ang laman,

Sa mga guniguning tayo’y nasa damuhan.

Tumatakbo ng marahan sa tabing dalampasigan.

Ala swerteng kumukuha ng larawan.

Magkahagakan habang nilulusaw ang lamig sa init na dulot ng alpombre.

Sa kalabit ng mga gitara hinehele.

Tulungan mo akong bigyang depinisyon ang salitang pagibig

Kung bakit nakikita kita bilang tubig sa gitna ng disyerto,

Bilang kamelyo sa gitna ng mga oso,

Isang bulaklak sa bulto ng mga damo.

Ang tanging lupa sa karagatang patuloy na nilulunod ako,

Na parating tatalon ako

Para lamang masilayan ang dagat na ikaw ang sirena,

Ang pinakamagandang koral na humahalina,

Ang natatanging perlas na nagwiwika,

Na eto ako,

Buhay na patotoo

Na ang maniwala na ang paraiso ay iyong matatamo

Kung mas pipiliing mo pikit-matang tumalon sa tinik ng mga rosas,

Sumuong sa pinaka-nakabubulag na butas,

Ang maging manas

Na tanging mga ngiti mo lang ang lunas.

Kung papaano nagagawang madama ang alapaap nang hindi humihithit,

Nang pano ko biglang napansin ang ganda ng mga kulisap sa iyong simpleng pagsilip,

Kung paano ako napaniwala sa multiberso,

Na sa pagpudpod ng ikot ng kamay ng relo ay tutugma ito at magkakataong pagtatagpuin tayo.

Tulungan mo akong bigyang depinisyon ang salitang pagibig

Ang hiwaga na bumabalot sa sintas ng mga kamay,

Ang langit na inaabot ang kapayapaang kumakaway.

Nang ilapat ng mundo ang tala sa ating hapag,

At patuloy nating pagsasaluhan ang mga kwentong itinalaga para mamayagpag

Sa kailaliman ng gabi, na hindi nagpapatinag

Hanggang hindi natin naabot ang pagsulpot ng sinag.

Ngayon.

Hinayaan mo akong matunton

Ang perpektong depinisyon,

Hindi perpekto na walang lamat, basag o wasak

Bagkus perpekto dahil kumpleto

Ang negatibo’t positibong rason sa ating kwento.

Hindi mo lang ako pinagbasa datapwat pinadama ,

Hindi mo ko hinayaang magsulat bagkus aking nalasap.

Ang dahilan sa likod ng mga simbolong natatago

Sa matamis na oo,

Sa pawis ng mga palad ko mula sa ilang oras na pagyapos nito sayo,

Sa pagbisita natin sa mga museo,

Sa iyong pagsandal sa gitna ng panonood natin sa sinehan,

Sa ating tawanang nagpipigtas ng malagkit na tinginan,

Ang mala-harpang kulansing ng mga singsing,

Mga basong tumataginting,

Kapalit ang halik na kanilang hinihiling,

Iyong malalaman,

Kung bakit ginawang grandioso ang mga altar,

Ang mga kalapating pakakawalan hindi para lumaya

Bagkus para magpasinaya ng  mensaheng ang syang naniniwala

Ay hindi kailanman maalintana

Ng kaliwa’t kanang paninira

Dahilan para maglipana

Ang kawikaang balang araw may isang tatagusan ng pana,

Na sayo itinadhana.

Sabay nyong madadama ang saya sa kabila ng lahat,

Pamamayaniin ang saya sa kabila ng lahat.

Salamat, sa kabila ng haba ng ating paglalayag

Eto pala ang depinisyon ng salitang pagibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s