KUMANTA TAYO.

Umawit.

Hanggang sa mangawit,

Bumirit.

Hanggang sa mapunan ang hinihingi pang hirit.

Magbulalas.

Ng mga lirikong sayo ay

Nagpapatigas!

Ng pusong minsan ay inagnas sa hininhintay nitong ningas,

Magpalabas.

Kilitiin natin ang mga sarili,

Pumili.

Ng kaparehang iyong nais makitang tumili.

Pumindot.

Ng mga numero,

Humablot

Ng momento,

Kikirot.

Nang paunti ang di sanay mong lalamunan

Sumigaw.

Ng nararamdaman.

Akuin.

Mo ang gabing paminsang walang hanggganan.

Pumostura.

Daigin mo si pilita.

Lumiyad.

Mikroponong hawak ay hasain na,

Tumuwad.

Abutin mo ang nota,

Yumuko.

Magsimula sa ugong ng mas mababang tono,

Tumihaya.

Paunti nang humahaba.

Umupo.

Nang panandalian at sya munang…

Gumawa.

Ng ritmo na hahayaan mong ika’y–

Ipasan.

Pawang balikat na tutungo sa kalangitan.

Magpaanod sa alon na rumaragasa.

Humiga.

Ibigay ang entablado sa tamad.

Ayan na ang Tamad.

Nagkakalat ang tamad.

Ang Tamad.

Punasan ang tamad.

Punasan ng pawis ng tamad, kumanta buong gabi.

Na tanging buwan lamang ang naririndi.

Kumanta ka sa kwarto,

O sa banyo,

H’wag lang doon sa lugar na may makakakita sayo.

Gawin mong tanghalan ang inidoro,

Ang sabon,

Sepilyo,

At tabo bilang manonood mo.

Gusto ko muling marinig ang katok mo sa pinto.

Hinihintay kong muli ang katok mo sa pinto.

Nawa’y sa susunod ay pumabilang na sa koro.

Nasanay na sa pagsosolo.

Nahihiya ako.

Ayain mo muli akong, Kumanta tayo.

Advertisements

One thought on “KUMANTA TAYO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s