AMBAHO NI TIYO PAENG

Ambaho ni tiyo Paeng.

Lagi naming syang tinatawanan.

Lagi siyang laman ng asaran,

Ng biruan, at ng marami pang usapan.

Ang sabi ni Nanay,

Sakanya ito’y ayos lang.

Hindi naman daw kasi sya iyong tipong ang biro’y tinitotohanan.

Minsan, sa  aming muling pagsasama sama.

“Ambaho ni tiyo Paeng”

Ang sakanya’y pambungad nila.

Ngiting bungisngis lamang ang isasagot nya

Sabay beso kela tita.

“Ambaaho ni tiyo Paeng”

ang aming asar,

habang nakikipaghabulan—

kaming magpipinsan

Ay malugod nyang sinasakyan ang aming kakulitan.

Sa bahay, kapag walang syang pasok sa trabaho.

Pagkatapos nya akong bilhan ng taho,

Ay uupo sa sa harapan ng kubo

At makikipagkwentuhan tungkol kayla lolo

O di kaya’y kay tatay sya makikipagtalo.

Sa oras na pumanig na kay tito ang diskurso,

“Ammbaho ni tiyo Paeng”

Mo ang pabirong pambawi ng tatay ko.

“Ammbaho ni tiyo Paeng”

Sabi ni elena na aking pininsan,

Naalala ko nung paskong binigyan

Sya ni tito ng bagong relo,

Kahit hindi nya alam magbasa nito

Ay bagay naman daw sa kanyang pulso.  

“Ambaho ni tiyo Paeng”

Sigaw ng ate ko mula sa bintana.

Binati sya ng saludo habang tumatawa.

Naalala ko yung kwento ni nanay

Na si tiyo daw ang nagmaneho

Nung kinumbulsyon si ate; nagbantay hanggang sa guminhawa.

Ngunit, napaisip ako.

Mabaho ba talaga si tiyo?

Tinanong ko kay nanay ngunit hindi sya kumibo,  

Kinalabit ko si tatay ngunit hindi nya nilingon ang ulo,

Kumatok ako kay ate ngunit di nya binuksan ang pinto,

Bumulong ako kay elena pero hindi man lang sya tumungo.

Tinitigan nya lang ako.

Kaya’t di na ako nakatiis, Aamuyin ko si tiyo.

Titignan ko kung talaga ba syang mabaho.

Sa kanyang bahay ako ay tumungo,

Kinatok ang pinto,

Bukas naman kaya pumasok na ko.

Pumunta ako sa kusina,

Sa sala,

Sa banyo ngunit wala si tito.

Pero may naamoy na ko.

Mabaho.

Si tito kaya yun?  

Hindi kaamoy ng basura,

Hindi rin ng panis na ulam ni tita.

Hindi rin amoy ng nabubulok na daga,

O yung medyas nyang wala pang laba.

Hindi amoy ng baktol,

O nanlilimahid na walang pang ligo o amoy ng upos na katol.

Hindi ko matanto.

Hindi ko matukoy kung ano.

Pumunta ako sa kwarto.

Pinihit ko ang busol,

Umalingasaw ang baho.

Nakita kong nakabulagta si tiyo,

Oo nga! Ambaho ni tiyo paeng.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s