MARAMING PARAAN, Mamili ka na lang.

Tapusin natin sa isang talon,

Sa isang lagok na mahinahon.

Tapusin natin sa isang turok,

Sa  isang nakaririnding putok.

Tapusin natin sa isang laslas,  

Sa isang taling hindi nakakalas.

Sa isang bagay na matigas,

Na malugod nating ihahamapas.

Sa isang botelyang kusa nating isusuksok,

Patuluyin sa lalamuna’y di na kailangang kumatok.

O di kaya’y mahalin natin ang tubig,

Sumabay tayo sa agos; ang sarili dito idilig.

Tapusin natin sa gamot

Sa nakabuburyong lungkot.

Tapusin natin sa paglipad,

San man tayo mapadpad,

Hanggang maging kasing lamig natin ang sahig

Na parati tayong iniibig

Sa mga oras na purong galit ang mundo sa ati’y hinahatid.

Ang sahig;

Na saksi sa bawat pasa, luha,

Mula sa mga salita

Na tinipon mula pa sa ting pagkabata.

Tapusin natin sa isang gilit,

Na may kasamang luhang puno ng pait.

 

Sabihin mo sakin kung kalian,

Kung paano

O saan.

Sa mga pagkakataong nilalamon ka ng mga sitwasyon,

Pag ang mga taguri, salita ay masakit na ang pagkakasampal,  

Sa kalagitnaan ng ating pagtakbo ay sabihin mo lang kung kalian ka na hinihingal, 

Sa mga oras na hindi na umuubra ang dasal.

Ay atin nang buksan —

Ang kahon,

Na naglalaman ng pinakatatago nating armas;

Na matagal man nating itinambak ay hindi parin pumupurol.

Na para bang tumututol sa pagputol

Ng pising mahigpit na ibinuhol.

Ng mga rason kung bakit tayo magtatayo ng pansamantalang kubol.

Ng isang kamay na hahaplos sa bakal na kamaong maghahahatol—

Ng wakas.

Pumipigil sa inaasam nating pagkalas.

Ang kahon.

Na naglalaman ng bukas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s