Para sa Palaging Nakikiselfie

Para sa mga taong palaging dine’deny.. 

Para sa mga taong palaging pinag’iintay..

Para sa mga taong palaging nakiki’selfie.

 

Magdamag kong inintay na ipaskil mo ang larawan natin sa may grotto,  

Hindi ko maalis ang mga mata ko sa matingkad na salaming nasa harap ko,

Kung ano ano nang ginaawa ko,

Kumain, bumasa, naglaro,  

Nakaidlip na nga halos ngunit ang oras ay tila nagbibiro.

Wala parin.

Hindi mo pa ipinapaskil.

Pero ayos lang, maghihintay ako,

Siguro ay may dinaanan ka lang

O wala kang susi sa kandado ng iyong pintuan

Kaya medyo matatagalan ka sa labas

At marahil gabi mo na maipapaskil ang larawan natin.

 

Nakakatawa,

Na sa bawat pagitan ng ginagawa ko ay hindi mawawala ang silip,

Ang sipat,

Ang lingong naghihiling na mahuli ang nakaw na paningin.

Gabi, ang aking itinuturin

Na oras ng ating sining.

Sa kabila ng pagkagat ng dilim

Ay hindi peligro o delikado

Ang unang pumapasok sa isip ko,

Bagkus ikaw, ang mga ngiti mo,

Ang mga storyang pakusang kumakawala pagdating ng alas kwatro,

Ang init ng iyong sandal sa balikat ko,

Ang buhok na humahalinang hawiin ko-

Ilapat sa gilid ng tenga mo,

Ang aking mga braso

Na parang may sariling buhay na sumisigaw na nais nitong pumalibot sayo,

Ikulong ka dito.

Naiisip ko–ako.

Hindi ito laro ngunit alam kong sa huli, ako ang matatalo.

Gabi, parati na lamang gabi,

Nasanay akong mahalin na lang ang gabi,

Dumating ang puntong sa umaga ay iniintay kong mag gabi.

Ang mga oras na alam kong sakin mo pipiliing mananatili.

Ang dilim! Ay nagsisilbing aking kakampi,

Parati nito akong ikinukubli.

 

Tulog ang lahat.

Hindi kaya’t ito ang tunay na pagkakataon?

Hindi kaya tayo, ng oras ay ibinibendisyon?

Ang katahimikan ay nagpapatiwaring:

Magsaya kayo!  Magliwaliw!

Habang pikit ang lahat,

Ay sumaya ka ng panandalian habang hawak ang iyong giliw.

 

At bukas,

Pagdating ng liwanag ay iturin mong panaginip ito

At umaktong parang walang naganap.

Ibaon mo sa limot ang lahat.

Habang ako,

Ay minu-minuto kong sinasariwa ang saya sa piling mo,

Habang kumakain, nagbabasa, naglalaro sa isip ko

Ang ating litrato.

 

Ituturin kong isang masayang salita

Ang tago,

Ang tanggi,

Ang kunwari,

Ang iwas

Na parating kasunod ng paglayas.

Iisiping,

Masyadong mailap ang salitang ‘tayo’ para atin itong akuin.

Balang araw,

‘Pag tama na ang lahat,

‘Pag ang mundo ay lihis na ang katotohanan,

‘Pag alam mo na ang salitang paninindigan,

Alam kong ipapaskil mo na ang ating larawan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s