Para kay Mang Lando

Kapag in’agrabyado na ng langit ang lupa,

Kapag ang mga mata ay dinurog na ng sistema.

Kapag pumantay na ang mga paa ni Reyna Sentenciada.

Kapag maski na mga bata ay kilala ang pagkaulila.

Ay doon darating ang tunay na Bathala.

 

Kikilanin nya ang mga katotohanang nakasiksik sa mga libag ng bawat kuko,

Sa gantilyo ng baril na sinasamba mo,

Sa mga tattoo na nasa dibdib na saksi sa iyong pagsuko,

Sa makintab na buton ng uniporme mong plantsado.

Sisisirin nya ang rurok ng iyong mga mata, ng diwa

Hanggang sa makatagpo ang espiritu ng bala,

Ng banta,

Ng takot,

Ng pagmamakaawa,

Ng hapis,

Ng pananamantala mong labis.

 

At kung sa oras na makadaupang palad nya ang presensya ng mga ito, ay ititikom nya ang bibig.

Hindi ito bubukas hanggat may hilakbot pang umaamba.

Kahit hindi sya tantanan ng bulong ng konsensya

Ay hindi sya titinag.

Pipiliin nyang pumikit, o salubungin ang liwanag.

 

Iilan lang sya sa mga napatahimik nang mga nagapo.

Bilang lang siya sa mga inakusahan at sinabing napapabilang.

 

Ang manipis nyang pangangatawan,

Ang mga marka sa bakante nyang espasyong pilit na pumupunan

Ay marahil na naging sapat na dahilan para siya’y pagbintangan.

Kitilin dahil walang natitirang paninindigan.

Sinalubong nya ang pagbabago para sa mga anak nuong kamakailan lang,

Ngunit dahil sa katiwalian ay masyado syang paham,

Hindi nangingiming tumagos ang bala sa kanyang kalamnan.

 

Ibabalita sa lahat ang kanyang kamatayan,

Ngunit imbes na paglamayan ay pandidirihan,

Patututsadahang ito ay nararapat lang dahil sa paminsang syang naging salot ng lipunan.

 

Asan ang tinatawag nilang pagbabago?

Ito ba ang mukha ng panibagong mundo? 

At kung ito, samahan mo akong magpakademonyo.

Maging gago,

Tarantado.

Marahil mas katanggap tanggap ang pagpanaw

Kung ang tilamsik ng dugo ay hindi malabnaw,

Kung ang nagawa kong kasalanan ay malinaw,

Kung walang patak ng luha ang dudulog sa oras na lumamig ang mga kamay ko.

Kapag hindi ako bumulagta nang hingal mula sa pagtakbo para umeskapo.

 

Sana bukas, ang mga bahay-husgahan ay iba na ang samyo,

Sana bukas, hindi na madamot ang mundo.

Sana bukas, umikot na ang roleta.

Sana bukas, atin na ang tuwina.

Magiging atin din ang tuwina.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s