Muling Pagbukas

Ilang taong sinara,

Hindi hinayaang magpapasok pa.

Ng iba bukod sakanya.

 

Ang puso ay ginawang monoplyo

 

Minanduhang tumibok para lamang sayo.

 

Ilang beses akong lumaban, gusto mo palang matalo.

 

 

 

At sa muling pagbubukas

Pakiusap, ay wag ka nang mangahas-

Pabalik na kumaripas.

 

-Ng takbo,

Tumakbo ka ng palayo.

 

Dun sa hindi ka tanaw ng mga mata ko

Nang sa gayo’y masanay na itong puso,

Pumintig ng buo;

Nang hindi pares iyang iyo.

 

 

H’wag na ring subukang magbitiw 

ng tanong na hindi ko alam ang sagot.

H’wag mo muling pakatagpuin sa akin ang bugnot

Matagal ko na syang nalimot. 

 

 

Ngayon, gamay ko na ng kaunti kung paano maka-alpas

sa nakaraang ayaw ko lang bastang tumakas.

Bagkus matutong umiwas 

sa mga taong kasama ng panahong inagnas.

 

Lisanin ang bakas,

Nariyan na ang bukas!

Masayang hinihimok ang puso-

sa muling pagbubukas. 

 

Advertisements

One thought on “Muling Pagbukas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s