PARA SA AKING PIRENA

 

Ikaw ang posporong ayaw kong silaban.

Dukutin ka sa bulsa ay aking pipigilan–

Ang sariling magpakasasa sa ligaya ng iyong sandaling init.

Syang magiging rason ko upang mas lalo pang kumapit.

 

Giliw, ako’y iyong ipiit!

Upang sa oras ng pagsuko’y hindi ko makasadlakang

Ikaw ay sindihan, patayin puksain ang ala alang pilit kong kalilimutan.

 

Ayaw kitang makitang maging abo.

Gumuho at magpira’piraso.

Ang masilayan kang madurog ay labis kong ikawawasak.

Nakatakda mang ikaw ay magalab ay hayaan mong paminsan mong kalimutan

Ang nakatakda mong gampanan.

Sumaliw sa lamig at doon makipagsabwatan.

 

Kamumuhian kong madatnan na lang ang mga ngiting labis kong minahal

Ay nasa porma na lamang ng mga usok,

Ang pangako ng pagmamahal ay sumalo na lamang sa mga alikabok,

Ang kamay na dating tanan sa pagsuong ko sa dilim ay usyoso na lamang sa liwanag na hatid ng tsiminea,

Na batid naman nating panandalian

At wala sa katiting ng pinangarap nating walang hanggan.

 

Magsilbi kang apoy na nagaasam ng lamig

At lamig na nagaasam ng init.

 

 

At kung sa gayon ay hindi natin datnan ang wakas.

Ako, ang kandilang nagbubulalas:

“Sisikaping bumagay sayong naturang likas,

Ibabatak ang lakas!”

 

 

 

Ngunit sa dulo, dadako ka parin sa iba, at doon magpapaningas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s