BABAE

Hindi ito kwento ng pagibig. Pero sana naging..

Ikalimang tao ko syang nakilala sa aming klase, ika-apat na tao sa mga nakaasul noong araw na iyon, ikatlong bumati ng “magandang umaga”, ikalawa sa nag-ayang kumain at sa ngayon, maituturin kong una kong pagibig.

Napaisip ako sa sinabi nya sa akin noong gabing iyon. Hindi iyon bugtong o tanong pero nangangailangan ng sagot. Nakasanayan kong gawin ang lahat kasama sya. Parati kaming sabay sa lahat. Sa pagpasok, paguwi, pagkain, pagaaral, paglalakwatsa at marami pang iba.

Isang araw namasyal kami at kumain sa labas. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Masyado atang hayag ang mahika ng aming nadarama sa isa’t isa, tumatagos sa kanilang mga mata. Buti pa sa kanila. Nakatingin sila noong punasan ko ang mantsa sa gilid ng bibig nya. Nang itinali ko ang nakalas na sintas ng sapatos mo, nakatingin pa rin sila. Nang kumuha tayo ng litrato at masyadong lapit ang mukha ng isa’t isa, mas lalong nakatingin sila. May halong pagkunot pa ng mga noo at iwas nang mahuli ko ang pagtingin nila. Gusto kong itanong kung bakit. Pero nahihiya ako. At isa pa, noong araw na iyon… ikaw lang ang nakikita ko.

Kumakaway na ang gabi at perpekto ang tanawin nating kinatatayuan para pagmasdan ang takipsilim. Badya ng isang romantikong senaryo.

Tandang-tanda ko ang sinabi mo noon. “Mamahalin na sana kita ngunit pareho tayong nakapalda.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s