INDAK

“Ipasok mo, tapos ilabas mo. Lagyan mo ng tamang tiyempo at saka mo itodo” ang wika nya habang pawis na pawis kasama ko dahil masyadong kulob ang kwarto. Patay ang ilaw dahil mumurahin lang ang bayad ko at isa pa, musika lang at aming mga sarili ang kailangan para maisagawa ito. Hindi ko alam kung tama ba ito, pero isa lang ang alam ko noong mga oras na iyon. Gusto ko ang ginagawa ko, namin. “Oh, isa pa. Kailangan paulit ulit para perpekto” “Sandali, ngayon ko na lang ulit magagawa ito matapos akong mabalo. Dahan-dahanin mo.” “Sige, pero ipangako mong hindi mo ako papagurin kahit paulit ulit at pagtapos ko’y ikaw naman ang gagawa?” “Oo. Pangako.” Pabulong. Taimtim at desido kong ibinulong sa kanya iyong huling salita. Paulit-ulit naming itong ginawa. At habang tumatagal, hindi ko nadaramang ako ay nagkakamali, bagkus lalo akong nagaasam na maging tama, perpekto at nasa tiyempo ang bawat bayo. Ng balakang kong tumigas na lang sa paglipas ng panahon.

Mahal ko ang pagsasayaw, iyon nga lang minsan may mga bagay kang tatalikuran sa ngalan ng iyong kinabukasan, ng pamilya, ng anak. At ngayong patanda na ako, gusto ko itong balikan. Malugod akong nakilala ko si Romeo, ang aking guro na nagtitiwalang walang edad ang hilig, pati na rin ang pagibig.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s