PIHIT

PERYA, paraiso nila ito kung iturin. Masaya ka dapat kung mapunta ka rito. Walang bahid ng lungkot ang dapat mamayani sa oras na madako ka dito.

Unang beses niya noong nakapunta sa naturang pasyalan. Bakas sa kanyang mukha ang saya sa kanyang unang pagtapak. Aniya’y wala daw ganoon sa probinsya. Buong araw kaming nagsaya. Bagama’t minsa’y nabuburyong ako sa pagkainosente nya sa kung saan mang parte kami pumunta. Sa roller coaster, caterpillar, bump cars, at ang pinakahuli’t espesyal; ang Tsubibo.

Ihinuli naming sakyan iyon dahil nais nyang makita ang liwanag ng buong siyudad sa pagkagat ng dilim. Sa pinakauna nyang pagkakataon, nasilayan nya ito. Marami nang beses akong nakasakay dito kaya’t medyo naburyong ako. Papaakyat na ang andar nito. Habang abala syang tumatanaw sa bintana, nakakita ako ng turnilyong nakausli sa itaas. Pinihit ko ito’t pinagmasdan kung para saan. Nang malamang wala, bumalik ako sa pagkakaupo.

Nang nasa bandang tuktok na kami napagkatuwaan kong takutin sya. Tumalon talon ako ng bahagya habang minamasdan ang takot sa kanyang mukha. Di ano-ano’y may kumalas. Siya ang huling bagay kong nasilayan.

Hindi ako trabahador dito, hindi rin may-ari, isa lang akong tipikal na turistang napadito. Pumarito. Nanatili.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s