PUTI

Lumisan ang nars nang kabado at puno ng pangamba.

Lunes noon. Ilang araw din akong nanatili sa ospital at parating sya ang nagaasikaso sa amin sa ward. Hindi siya palasalita kaya’t hindi ko sya gaanong kaututang dila kahit na araw at gabi ko syang kasama.

Isang beses ko lang syang nakausap. Nang una akong dinala dito.  “Ilang taon ka nang nars?” Badya ng pagdududa ko sa hawak nya sa karayom na ituturok sa akin. “Matagal na, ngunit wala pa akong ospital na natagalan.” Nagkatitigan kami ng sandali at umalis agad siya. Hindi ko na sya kinausap magmula noon.

Pito kaming pasyente sa ward kung saan sya palaging naka-assign. Hindi naman na malala ang mga kalagayan ng mga kasamahan ko, karamihan sa amin ay ilang araw lang at maari nang lumabas. Nakapagtataka’t kada araw ay nababawasan kami. Nagising ako noong araw na iyon dahil sa hikbi at ngawa ng iilang kamaganak ng katabi kong pasyente; si Jojo. Sabayan pa ng tunog ng makinang sumasalba sa buhay niya. Nasa gilid lang ang nars na palaging umaasikaso sa amin. Bakas sa kanyang mata ang kaba. Ilang segundo, natigok na si Jojo. Sabado noon. At ngayon, Linggo. Mag isa na lang akong natitira.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s