TAGU-TAGUAN: TAONG 2035

“Isa… Dalawa… Tatlo.. Magtago na kayo.” Sigaw ni berto habang nakakurumpot sa sulok habang takip ang mata.

Walang kalumaan ang larong ito, siguro ay maski ang kanununuan ko ay nilalaro ito. Wala kasi itong katandaan. Masaya at nakaka-aliw pa rin maski anong edad. Lalo na’t malawak ang lugar na inyong pinaglalaruan, maraming maaring pagtaguan.

Nagtago si Angge sa lilim ng puno, nakita sya. Sumiksik si Shaneng sa may pagitan ng mga bato, nakita sya. Kumurumpot si Peppay sa gilid ng garahe, nakita sya. Tahimik at pigil sa paghingang nakayuko sa may tabi ng malaking paso si Paulo, nakita sya. Lahat sila nataya na. Ako na lang ang hindi. Matagal bago nila ako hinuli, kaya’t kusa akong lumabas. At sa aking pag labas, ako na lang ang buhay. Ako na lang ang humihinga. Lahat sila nakabulagta. Duguan. Wala nang bahid ng hininga.

Nagtago lang naman rin ako. Nagmasid ng mga taya, hindi gumawa ng ingay at panandaliang pinigil ang ingay na maaring magawa ng paghinga.

At habang tinititigan ko sila, nakarinig ako ng sigaw.. “Ito na ang makabagong bersyon ng tagu-taguan”

Advertisements

One thought on “TAGU-TAGUAN: TAONG 2035

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s