Taymontes

Ako ti Paula, payb yirs old. Di pa ko nagaaral pero gusto ko na. Sabi ni nanay wag daw muna, kelangan daw muna ko umatten ng retab? Resab? Rebab? Rehab! Yun, yun nga. Pero di ko alam kung bakit ako pupunta don. Maglalaro ba kami don? May kendi kaya don? Tana meyon. Naglaro kami ni tito dati, nung malaman ni nanay na naglalaro kami… nagalit sya, wag na daw ako lalapit uli kay tito. Bakit kaya? Eh, naglalaro lang naman kame eh.

Taymontes pangalan ng laro namin. Sabe nya saken, masaya daw yun tapos pagtapos naming maglaro bibigyan nya daw ako ng kendi. Dami ko na ngang kendi galing kay tito, kase lagi kaming naglalaro ng taymontes pag wala si nanay. Ganito yun, gagawin mo lahat ng sasabihin nya. Kunwari, “Taymontes, kuha mo ako ng tubig” kukuha ko sya, ganon lang tapos may kendi na ko. Nung isang beses, ay! Marami pala, sabi ni tito “Taymontes tayo” sabi ko sige para may kendi ako “Taymontes, i-lock mo yung pinto” ni-lock ko yung pinto. “Taymontes, sarado mo yung bintana” sinara ko, tapos “Taymontes, tabi ka sakin dito sa kama” “Taymontes, pikit ka” “Taymontes, wag ka gagalaw hanggat di sinasabi ni tito.”. Sa isip isip ko, kukunin nya na yung maraming kendi, surprays. Tapos hubad daw ako damit kasi daw mainit, papaliguan nya ko. Tapos sabe nya “Taymontes, wag kang magiingay sa mama mo ha, o kaya papatayin ko sila” Lagi yun yung Taymontes ni tito. Tito, ako naman Taymontes.. “Taymontes, balik mo ko kayla nanay” “Taymontes, uwi na ko” “Taymontes, ayoko na ng kendi” “Taymontes, wag mo ko iwan dito sa damuhan.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s