Napagsamantalahan

Dama ko ang sakit,

Tamasa ko ang pait,

Ang sabi ni nanay lahat ay wala sa alanganin kung magpapakabait.

Ngunit kahit na iwasan ko ang mga bagay na di kanais nais

ay para silang mga bola kong hinagis na kusa sa aking bumabalik.

Parang silang mga taling matagal ko nang binitawan,

kinalimutang minsan kong hinawakan,

ayaw akong pakawalan sa nakaraan

pikit mata ko nang tinatakasan.

 

Sila ay oo, isang nakaraan,

isang parte ng pambihira kong kamusmusan

ngunit hindi nangangahulugan

na dapat ko pa rin sila baliktanawan,

isiping sila ay parte ng aking magiging kasalukuyan.

 

Paki’usap ako na ay iyong tantanan ;

iwanan mo na ako sa kawalan.

Pipilitin kong may kapuntahan,

ang buhay kong basura simula noong ikaw ay madatnan.

 

Ikaw ay isa lamang bangungot,

na hanggang ngayo’y kimkim ko ang poot.

Ikaw ang sentido ng pagkatao kong nakasusulasok sa kadumihan,

na kung malaman ng iba’y pandidirihan,

maswerte kung kanilang maiintindihan

Na ikaw, ay isa lamang bangungot.

Na hanggang sa paggising ay dala ko ang lungkot.

Ikaw ang bangungot na matanaw ko man ang pagsikat araw ay hindi ko maiisip ang bagong pagasa

kundi mga bagong persona ng iyo pang mabibiktima.

 

Patakasin mo na ako.

Sa rehas ng paglimot,

tampalasa’y  buhusan ng dusa at pagkahapo.

 

Hindi biro ang pwersahang pagpunit ng damit.

Hindi katutwa ang paghablot ng dignidad sa pinaka nakasusuklam na paraan.

Hindi lang basta latak ang minsang mantsa sa puting kobrekama.

At hindi lang basta pagod ang pagkahapo nang may nadaramang pandidiri sa laway na sa katawan mo piniling dumampi.

 

Mananatiling hubad sya sa pagkakataon,

At sa paghuhusga siya’y taliwas na ibabaon.

Kung hindi sya kayang tanggapin ng minamahal,

kanino sya sasandig sa lipunang patuloy syang niluluwal?

Advertisements

One thought on “Napagsamantalahan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s