Nariyan Muli Sila

Kumpol ng bulaklak na lang ang naabutan ko.

Isang normal na araw para sa muling pagsasama sama ng pamilya. Ilang taon din kaming nagkahiwalay at ngayon siguro itinakdang muli kaming magkita. Maamoy ang samyo ng bukirin sa bagahe nila tiyo. Naroon sa tabi at nagpapamudmod ng pasalubong galing Baguio si tiya. Nagsusukat si ate ng maaring gamiting damit bukas dahil sabay sabay kaming aalis. Si nanay, ay nasa kusina kasama ang aking mga pinsan, nagaasikaso ng ihahain mamayang hapunan. Ngayon na lang kami muling kakain sa iisang hapag. At habang tinitignan ko sila, dumaan si Pochoy na pinsan kong patuloy na kinukulit si lolo. Humahalaklak na pagod nang umupo sya sa silyang nasa gilid ko. At ayan, parating na si biyenan sa kinakapatid kong si Maria habang karga karga ang inaanak ko sa kanya. Nasa gitna nila ako lahat. Tinatanaw ko ang lahat ng mga ginagawa nila. Ang ngiti, ang halakhak, ang pangangamusta, ang kwentuhan, kahit na sabay sabay ay pipilitin kong makinig sa lahat ng mga ito. Para bang nais kong kunan ng litrato ang bawat sulok ng kinatatayuan naming kubo. At naroon si tatay, nakatitig lang sa akin, tila ba may binubulong sa hangin. Tila may pagsintang kinikimkim, patuloy na pinipigil. Ang sarap nilang panoorin.  Mapapangiti ka na lang at hihingilin na h’wag nang dumating ang dilim. At kinabukasan sa aming paggising, ay hindi na kailangan ng pamamaalam na taimtim.

Kanila akong nilisan, isinara ang pinto. Itinabon ang kwadradong bato, nahuli ata ako ng gising o di na kailanman magigising? Naiwan ata o iniwan ng mundo? Huli na ata akong tumayo, at kumpol ng bulaklak na lang ang naabutan ko.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s