PALABAS

“Kapit ka lang, bibitaw rin ako”

Anong kaululan ang sumapi sa kung sinong hipokritong magsasabi nito?

Aba’y hindi mo makuhang kahit anong kapit ang gawin at kahit gaano ko man kaalam ang bumitaw ay pipiliin ko paring kumapit.

Minsan kase, sa oras na maliliit na bagay na lang ang kayang ibigay ng tadhana ay saka natin nililimot ang malahiganteng rason ng pagsuko.

Na kahit kabutil man ang pagasang babalik at babalik pa sa dati ang lahat,

at kahit sinasampal ka na ng realidad

ay nariyan sya.

Walang ginagawa.

ngunit ang kaloloob looban mo ay nagbabadya.

Na ikaw ay nananatiling kanya.

 

Sandali, ang mga ngiti nya ata ang naghihila.

O maski ang kanyang simpleng pangangamusta.

 

Mga maliliit na bagay na parati nating nililingon.

 

Kasing liit, na maski na paglingon mo

sa pagbilang ko ng sampung segundo ay napanghahawakan ko.

 

Ang panakaw mong hagip na paglingon,

ang bawat pinapaskil mong status na may konotasyon.

Na daig ko pa ang kung sino mang intelektwal sa pagbibigay ng interpretasyon.

 

Lahat sila ay tanday ko ng pagasa.

 

Hayaan mo muna akong sumaya bunga ng pagasa.

At sa oras na ang mga kurtina ay bumaba na,

hudyat ng matagal na naman nang nagtapos nating storya.

Papalakpak ka sa saya,

matututuon sayo ang aking mata,

nadarama na ang pagpalakpak na iyon ay nagwiwika:

“mahal pa kita”

at muli nanaman akong aasa.

 

Ako mismo ang magtataas ng kurtina, makikiusap na ituloy natin muli ang kwento nating dalawa.

Sasakay ka.

At ilang pagkakataong hahawiin mo ang kurtina,

at kapag solo mo nang muli ang ilaw ng makinilya,

sabik akong lalabas ng kurtina…

 

Magisa. At muli, wala ka na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s