AKALA KO BA’Y MATATAG?

Nilingon nya ako bago sya tumalon.

May matalik akong kaibigang nagngangalang Celia. Mula pagkabata’y nariyan sya sa aking tabi para pamudmuran ako ng pagasa sa tuwing nawawalan. Hindi lamang sya basta kaibigan, pamilya ko na sya kung iturin. Naroon lagi sya halos sa lahat ng pagsasama-sama ng aming pamilya taon-taon at kababata ang pakilala ni Nanay sakanya. Sa eskwelaha’y hindi maiiwasang pagkamalang nobya ko sya dahilan nga sa palagi kaming magkasama. At iyon, dahil sa matigas ang kanyang mga galaw, ang bahid ng pagkatibo ay kamtam nya.

Nakilala kong matatag si Celia, kung may salitang unang makapaglalarawan sa kanyang personalidad ay iyon siguro ang saktong salita. Nang minsa’y nalagay ako sa alanganin at wala nang ruta para umeskapo sa sitwasyon, sya at sya lamang ang kasa-kasama ko. Tinuruan nya akong humarap sa problema sa pinakamatapang na paraan. “Pagkat ang lumalaban ang syang nagwawagi” sabi nya.

Sa kasalukuyan, may hinaharap syang problema hindi ko alam kung gaano kalaki o kung ano yun dahil ayaw nyang sabihin. Matatapos ang araw nang hindi sya kumikibo sa aking pagtatanong, pero kung ano man yun; tingin ko ay napagwagian nya.

Napapaiyak sya sa tuwa at napapatalon pa.

—Iyon nga lang sa pinakamataas na lugar nya napiling magsaya.

Nilingon nya ako bago sya tumalon.

Advertisements

One thought on “AKALA KO BA’Y MATATAG?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s