LABAN NG PUSO

Minsang lumakad sa isang kagubatan si Lino. Bunga ng kanyang pagkakaligaw, napadpad sya sa pinakamasukal na parte nito. At natagpuan ang sariling nasasagitna ng isang perpektong hugis ng bilog na napaliligiran ng mga halaman at apat ng puno sa porma ng kwadrado. Nakamamangha ang posisyon ng mga ito dahil mukhang sinadya at walang tumutubong kahit anong matataas na uri ng halaman sa loob ng bilog, damo lang. “Hindi kaya’t patibong ito ng kung sino man?” ang nasa isip nya.

Nilinga linga nya ang mga sangang nakapalibot sa kanya ngunit wala syang natagpuan kundi mga sanga at dahong parang naging tahanan na ang kinasasakluban nilang puno. Nang papalakad na sya, biglang may sumulpot sa likod nya; isang babaeng tila nagtataglay ng kapangyarihan pero mukhang normal lamang kung titignan. Sinabi nito na wala syang takas sa maaring kahinatnan nya sa bawat daan sa pagitan ng kwardradong porma ng puno. Hindi naniwala si Lino, pahakbang sya sa unang daan nang may tigreng lumabas. Napaatras sya at napalingon sa babae. Nagduda, at tumahak sa pangalawang daan nang may bulto ng mga ahas ang syang pumalibot sa paa nya. Nagtatatarang nyang inalis ito at medyo iritable sa babae. Nang patungo na sya sa pangatlo at lumabas ang gutom na lion. Halatang halatang gutom ito dahil sa malalapot na laway na tumutulo sa gilid ng bibig nito. Napasigaw sya habang umaatras at binulyawan ang babae. “Ano bang gusto mo!” Ngumiti ang babae at sinabing, “lampasan mo ang lahat ng ‘yan o di kaya’y isa man sa kanila”. Lumingon si Lino sa pangapat na daan nang makita nyang blangko ay tinanong nya kung anong meron doon. “Dagat na ang pagtapak mo ang hudyat sa pagsisimula ng alimpuyo at matataas na alon.”

Ilang araw naroon sila at hindi pa rin ganoon katapang si Lino para tumagos. Marami siyang nakwento sa babae at doon, umusbong ang pagibig. At dumating ang oras na desidido nang umalis ron si Lino. “Alam ko na kung paano ko malalampasan ito, samahan mo ako.” Sabay hawak sa kamay nito.

“Ang apat na daan ay syang ikaw rin, mga salamin ang nasa harap mo. Sa mga nakaraang araw ay natagpuan mo ang sariling takot ka sa sarili at ngayon ay matapang kang harapin ang sarili mong pagkakagapo bunga ng pagibig?”

ani ng babae

“Oo, dahil kahit na ang pinakamabangis na hayop ay umaamo, at pinakadelubyong sakuna ay humuhupa kung ito ay yayakagin ng pagibig.”

Advertisements

One thought on “LABAN NG PUSO

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s