MANG KWERDAS

Siya ang pinakamagaling na gitaristang kilala ko.

Kinalabit nya ang kwerdas ng gitara. At nadama ko ang pagibig sa porma ng mga nota ng musikang kanyang tinutugtog. Nakilala ko sya sa kabundukan sa may Makiling. Hinimok ako ng kanyang musika. Nakikita ko ang katandaan nya sa gamit nyang gitara. Kung papaano kapudpod ang mga gilid ng kurba ng kanyang gitara ay ganoon ren kapudpod ang mga daliri nya sa walang tigil nyang pagkulanting.

Nang sinimulan nya akong kwentuhan, ilang taon nang namayapa ang kanyang asawa. Naiwan syang magisa at ang kanyang anak na babae ay nang magtapos ay tumungo sa lungsod para magtrabaho. Ito ang kanyang kayamanan ani nya. Ang anak at ang kanyang gitara. Mamamatay daw syang hawak ang gitarang iyon. Dahil tanan daw nito ang storya ng kanyang buhay. Sa kasal ng asawa’y naroon iyon, sa kaarawan ng anak ay tumugtog pa sya, sa libing ng asawa ay iyon ang katabi, sa oras ng gutom; pag walang pagkain ay tumutugtog lang daw sya ng tumutugtog. At dito napaisip ako, musika at mga nota ang nagsisilbing dugong nagpapabuhay sa kanya. Bakit ganoon? Kaya’t tila isa akong batang atat at uhaw para makinig sa kanyang piyesa.

Nang tanungin ko sya kung bakit ganoon sya tumugtog. Na niyayanig ang aking kalul’wa, ang puso, ang isip ay bumabalik sa sandamakmak na alaala ko. Nakalkal nya ang baul ko ng memorya. Ang sabi nya’y wala daw. Bakit ganoon? Na tumutugtog sya sa lugod ng pagtugtog at wala syang sinumang tinutugtugan. Hindi tulad ko, na kung tumugtog ay nararapat lamang na may pinaglalaanan. At dito natanto ko, ang tunay na yaman ng Pilipinas. Ang musikang mas higit pa sa mga napakikinggan ko sa mga plaka, o sa likod ng mikroponong nakakanta, o sa mga nailalapat sa telenobela

— At ito ay ang musikang natatago sa maduduming kamay, pudpod na daliri, nangangayayat na pangangatawan ngunit tengang hitik sa ginintuang musika.

Advertisements

One thought on “MANG KWERDAS

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s