Liham ng Pinag-alayan

Siguro nga’y ganyan ka.. Magaling ka lang magsulat.

Di ka marunong humabi ng kwento. At ang mga linyang binabato mo ay hindi galing sa puso kundi sa kaibuturan ng iyong bokabularyo.

Ang sabi nila masarap daw magmahal ng manunulat, dahil ang kwento nyo ay nagsisilbing librong nabubuklat. Pero sa tingin ko? Tingin ko… ito ang bangungot na kinsadlakan ko.

Dahil hindi ko na matantya sa mga sinusulat nya kung alin ang piksyon at totoo, kung alin ang para sa akin at para sa mundo, dahil kung minsan, tumataliwas ang tabas ng kanyang bibig, ang tunog ng kanyang pintig sa  kanyang panulat. Masyado nang sinasakop ng ideya ang kanyang nadarama tumatagos hanggang sa hindi na makadama.

Habang-buhay kang nasasapahina at nasusulat sa kung anumang uri ng papel, napapanood sa malahiganteng pader, maririnig na kinakanta sa lirikong ikaw at sa iyo ang hinggil.

Paraiso siguro kung tutuusin ang maglawa sa matatamis na mga salita, ang dalhin ka sa ibang dimensyon gamit ang mga metapora, ang ika’y ipares sa kung anumang bagay sa mundo, na ang mga salitang yaon ay ikaw ang buhay na patotoo.

Ligaya nga siguro ang maging parte ng isang obra maestra,  giliw kong makata, tanong ko, ako pa ba ang sinusulat mo?

Nagmamahal, 

Ang paminsan mong pinag-alayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s