LINGON

Lilingon na lang,

Lilingon na lang ako.

Sa mga hulagway ng nakaraan,

Sa mga sasakyang dumaraan

Sa ibat ibang mukha ng mga taong papunta kung saan

Sa mga paling ng kamay ng orasan

Sa mga letra’t salitang ako ang paminsang pinagalayan.

Mga bagay na sayo palaging may kaugnayan.

Lilingon ako.

Tinatanaw ko ngayon ang dati kong kinatatayuan.

Nangungulila ako sa mga ngiti,

lubos ko nang limot ang pag ngiti.

Hindi ko na kilala ang saya.

Iyong halakhak at tawa,

Maaring pamilyar sila sa akin dahil nadala sila gamit ang iyong mga paa.

 

Minahal kita. Minamahal. At hindi ko alam kung mamahalin pa.

Dahil parang impossible na.

Ang wakas ay matamo nang walang paguumpisa.

Ang sumayaw sa indayog nang ako lang ang nakaririnig ng kanta.

Nang magluksa nang ako lang may luha.

Magmaneho nang isa lang ang gulong ng bisikleta.

 

 

Sa atin, ako lang ata ang lumigaya?

Ako lang ang maligaya o ikaw lang ang nagbuhat ng ligaya.

Nag akalang kamay mo ang tanan ko,

ngunit natagpuang hawak ay ang aking kaliwa.

 

Ngayon, habang tayo ay nasa gilid ng dalampasigan.

Narito ako,

na pumalaot dito,

-nang walang lambat na tanan,

o pangyapak na saplot na panangga sa mga salitang iyong bibitawan.

 

Walang bituin na sasaksi,

maski ang alon ay tahimik at walang paki.

Isa lamang ang hatid sa atin ng gabi.

Ito, ang apoy na pamisan nating pinaningas.

 

Kung may bagay man akong hihilingin sa huling pagkakataon ay ang pagupo sa tabi ko,

kahit lamunin tayo ng katahimikan,

sabay nating titigan.

Samahan mo akong titigan sya,

sariwain ang masasaya nating ala-ala.

Na ang sidhi ng pagsinta

ay nauwi sa pangungulila.

Ang mga daliri ng baga ng apoy,

napuno ng tanong at ng panaghoy.

 

 

Kung papaano sakluban ng lamig ang init,

kung papaano lumalaban ang init.

Alam kong impossibleng madaig ng lamig ang init pero nangyari na,

possible pala.

Sa atin,

Sa ating apoy.

Nais kong pakiusapan ang lamig,

na sana’y sa susunod o kung pwede’y wag na lang bumalik.

Yakagin ang halik,

ang yakap, ang tiwala,

ang tawa, ang pagsinta,

ang pagibig, ang pagsinta,

ang “wala nang iba”

Nas’an na sila?

Saan nagtungo’t natagpuan na ba sa iba?

Lumingon ka.

Lumingon tayong dalawa.

Ikaw sa iba,

at ako, sa posibilidad na masasalba pa.

 

 

At kung sa oras na himukin muli tayo ng apoy na muli ulit magningas, Lilingon ako.

Pangako, Lilingon na lang ako.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s