Gabi, Mundo at Langit

Dinapuan na ng andap ang salamin,

Naghilamos na ng alikabok ang inuupan nating sapin,

Balot na ng pawis ang palad mong tikom,

Marahan syang naghihintay ng pares ng daliring susuong.

 

Matagal na rin siguro nating inintay ito

Ang latagan ng bituin ang langit na minsang sumaklolo

Sumigaw man paminsan, sayo ay nagtampo

Narito pa rin sya’t sumikat para sa’yo.

 

Tinaksil mo man ang mga alitaptap sa taglay nilang liwanag,

O minura ang buwan dahil paminsan syang sumagisag

Sa gabing inakala mong sasaklubang ng mahika ang reyalidad

Na ang paraiso ay matatamo, agarang mapapadpad.

 

Mali ata ang bulong ng mundo,

Na ang pagibig, tibok ang nagpapaikot dito

Hindi galit, hindi poot, hindi pasasalamat o utang na loob

Bagkus… ay buhay, tayo –ang pumipihit dito patalikod.

 

Kahit sinag ng araw ang dumapo

O pilas ng buwan ang bumayo

Alon ng dagat ang magsumamo

Kung hindi ay hindi, at kung oo ay oo!

 

Kung ako ay ako, kung tayo ay bakit naging kayo

Ang lingon ay hindi lamang pagpihit ng ulo.

Bagkus, pagpigil sa puso

Humindi sa pabigkas ng “ayoko”, dahil may patak ng paggusto.

 

Mali nga siguro kung aanihin ko

Ng galit ang labis kong paghanga sa mundo

Dahil madalas kong sabihing “walang magbabago”

Ang pananatili ang propesyong, ako ay naging henyo.

 

Mananatili—ako dito. Sa’yo. Sa mundo.

At sa mga kwentong pinanatili nating ilakip sa libro.

Libro kong walang makababasa, at marahil ay malimot ng tadhana

Na mananatiling, iyo, natin at tayo.

 

Kaya’t gawin mong kanaisnais ang pahinang ukol sa’yo

Tasahan mong maigi ang panulat na gagamitin mo

‘Wag hayaang malatakan ng kung anumang likido

At higit sa lahat, isulat nang may galak  sa puso.

 

Upang sa oras na ibaba mo na ang pluma

Ang mga salita ay iyo nang binabalasa

Sa huling pagkakataon mo nang binabasa

Ay mapapangiti ka’t, mmalugod na sasabihing “tapos na!”

 

Saksi ang punong kahoy sa mga letrang iyong inukit,

Pati na rin sa kung gaano kahigpit ang lubid

Ganoon nga siguro kasigasig ang mga alitaptap

Para dito pa ay dayuhin at dito maglagalag.

 

Alitaptap nga lang siguro sila’t kaunting liwanag ang hatid

Sinong hindi ngingiti kung sa dilim ka umiibig?

Ang kalabanin ang dilim ay sadyang katapangan

Matalo ka’t magapo; dilat ka pa ring lumaban.

 

Isinulat ko ito para sa mga luha

At mga hikbing palihim, tago ng mga tawa

Mga pambihirang bigo, kaibigan ng dilim

Sinusuklam ang mundo sa bulong nilang taimtim.

 

Sa susunod na mabasa mo ito,

Alalahanin kung gano kaganda ang gabing ito.

Yakapin mo ang dilim, sisirin ang pinakailalim

Pilitin mong abutin ang rurok ng ibig kong sabihin

Dahil parati ako sa kanila naghahabiling:

Tanawin ka’t, ang iyong mga ngiti ang panatilihin.

Advertisements

One thought on “Gabi, Mundo at Langit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s