Premonaryo

At iniwan ko na lamang sa mesang tigalgal

Ang nakagawian nating paraan

Pinaanod sa lawang sinupalpal

Ng along hindi dumapo kung saan.

 

Tinangay na siguro ng hangin

Ang lawak ng pinagsamahan natin

Ibinaon sa lupa

Nang ibinalot sa tela.

 

Nilunod ng kumpas ng sanga

Ang diwa at ang lampara

Tanglaw sa paminsang mong katinuan

Ang pwesto natin sa aklatan.

 

Gapo na ang iyong kataastaasan

Ng utak mong hinabilo ang kamangmangan

Sinaklob na halos ng iyong kahambugan

Pagbibigyan kita, kung ako’y malilimutan.

 

Hala’t sige! Mamasdan lang kitang tumawa

Humalakhak hanggat walang dumadating na luha

Alam kong sa dulo ng gabi ay naroon ka

Nililibugan ang sarili sa lumbay at pangungulila

 

Kung dalawin man kita sa iyong panaginip

Iyon na sana ang huli

Bangungot man akong iyong iturin, 

Hindi ba’t ikaw din?

 

Nalimutan mo na nga siguro

Ang palagiang tinatatak sa ulo

“Hindi nagiisa’t palaging may katoto”

–Nariyan ang iyong mga demonyo.

 

Isinulat itong tula, hindi para sa iyo. 

Hindi mula sa galit, o kung sino mang tao

Bagkus ang salita’y tibok rin ng puso

Mabutihin nang isalin kaysa iyong iburo.

 

 

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s